ANGARA, WELCOME SA DEPED

TINIYAK  ng mga opisyal at kawani ng Department of Education ang pakikipagtulungan kay Senador Juan Edgardo Angara bilang kahalili ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay DepEd Usec Michael Poa, tanggap nila ang appointment ng Pangulong Ferdinand Jr. kay Angara bilang education chief.

Sinabi ni Poa ang pakikipagtulungan ng DepEd community sa bagong liderato at maipagpatuloy ang pagpapaigting sa kalidad ng edukasyon.

Samantala, naglabas naman ng pamantayan o parameters ang Department of Education National Employees Union (DepEd-NEU) na dapat isaalang-alang ng bagong pamunuan ng Kagawaran.

Kabilang dito ang Non-Politicized Leadership; paggalang sa Public Sector Unionism: pagpapatuloy ng Beneficial Programs; pagsusulong ng kultura ng kapayapaan; at Commitment to Transparency and Good Governance.

Ayon Kay Atty Domingo Alidon, ang President ng Department of Education National Employees Union (DepEd-NEU) na layon ng mga nasabing guidelines na makatiyak na ang bagong liderato ng DepEd ay nakapokus sa stability, continuity at sa best interests ng education community. Elma Morales

DE KALIDAD NA EDUKASYON TINIYAK NI ANGARA
Ikinatuwa ni Senador Sonny Angara ang kanyang pagkakatalaga bilang bagong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at nagpahayag ng pangako na makipagtulungan sa lahat ng sektor upang matiyak na ang bawat batang Pilipino ay may access sa de-kalidad na edukasyon.

“This significant responsibility is one l accept with humility and a profound sense of duty,” aniAngara.

“I am committed to working with all sectors of society, including my predecessor, Vice President Sara Duterte, to ensure that every Filipino child has access to quality education. I look forward to building upon her accomplishments,” dagdag pa niya.

Nakatakdang matapos ang termino ni Angara bilang senador sa 2025.

Aniya, ‘deeply honored’ at ‘grateful’ siya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtitiwala sa kanya na mamuno sa DepEd.

“I am eager to collaborate with President Marcos and the entire administration in serving our students, supporting our teachers, and enhancing the overall quality of education in our country,” dagdag pa niya.
LIZA SORIANO