BULACAN – PATULOY ang pagpapakawala ng tubig ng Angat Dam dahil nalampasan na nito ang spilling level na 212 meters.
Bunsod ito ng malalakas na buhos ng ulan nitong mga nakaraang dala ng northeast monsoon umangat ang sukat ng tubig sa naturang dam.
Base sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nito lamang lunes umangat sa 212.60 meters ganap na alas-8:00 ng umaga, hanggang sa tumaas pa ng 214.70 nitong Martes dahil sa malakas na pag-ulan.
At nitong Miyerkoles ng tanghali pumalo sa 215.28 meters ang sukat ng tubig hanggang sa bahagyang bumaba nitong Huwebes ng umaga na 215.02 at 214.26 meters kahapon.
Ayon kay Ms. Liz Mungcal patuloy na nagpapatapon ng tubig ang Angat Dam kung saan bukas ang Gate-2 na lamang ang nagbubuga ng 0.5 meters, habang isinara na ang Gate-1 naglalabas rin ng 1.0meters at ang Gate-3 nagpapatapon din ng 0.5 meters.
Dahil dito asahan na ang bahagyang pagtaas ng tubig sa Angat River sa mga bayan ng Norzagaray, Angat, Bustos, San Rafael, Baliwag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, at Hagonoy palabad ng Manila Bay. THONY ARCENAL
Comments are closed.