ANGAT DAM POSIBLENG UMABOT SA CRITICAL LEVEL | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
angat dam

ANGAT DAM POSIBLENG UMABOT SA CRITICAL LEVEL

NABABAHALA ang National Water Resources Board (NWRB) na posibleng umabot sa critical level ang tubig sa Angat Dam sa mga susunod na linggo.

Ayon sa NWRB, umabot nitong Biyernes sa 187.7 meters above sea level ang tubig sa nasabing dam na pitong metro na lamang na mas mataas sa 180 meters na itinuturing na critical level.

Dahil dito, umapela ang NWRB sa mga residente sa Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig.

Nabatid na umaabot sa 96 percent ng tubig na ginagamit ng mga residente sa Metro Manila ay mula sa Angat Dam.

Sa kasalukuyan, pan­samantala munang inihinto ng Angat Dam ang pagbibigay ng tubig sa ilang agricultural land sa Bulacan at Pampanga.

Paliwanag ng NWRB, prayoridad ang pagbibigay ng tubig sa mga residente sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Nauna rito, ikinu­konsidera na rin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng cloud seeding sa ibabaw ng An-gat Dam para madagdagan ang imbak ng tubig lalo’t umiiral sa bansa ang El Niño.

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS