ANGEL LOCSIN BABU NA SA SHOWBIZ

faceup

KINUMPIRMA ni Angel Locsin na hindi siya aalis sa ABS-CBN, pero wala tayong napapanood anomang TV project para sa aktres. No talk si Angel tungkol dito, at wala rin siyang keber kung lumipat man ang ibang kasamahan niya sa GMA7. Sa tagal na niya sa showbiz industry, masasabing narating na niya ang rurok ng tagumpay sa kasikatan. Hindi rin naman siya bulagsak sa pera, kaya nakaipon siya at yumaman.

Korek! Hindi niya problema ang pera dahil napaghandaan niya ang kanyang kinabukasan. Siya pa nga ang pursigidong tumutulong sa ating kababayan sa panahon na pandemya. Di ba na­ging kontroberisyal ang pamamahagi niya niya ng tulong sa pamamagitan ng community pantry? Inakusahan din siya na makakaliwa dahil sa prinsipyong kanyang pinaglalaban. Ipinagtatanggol niya ang mga taong naaapi, at hayagang nababasa natin ang pagbibigay niya ng opinyon tungkol dito. Matapang talaga si Angel, lalo na at alam niyang siya at tama.

“Pinalaki ako ng tatay ko na totoo sa aking sarili. Hindi ako papayag na magkaroon ng inhustisya sa paligid,” ani Angel. “Maraming pinagdaraa­nan ang ibang tao. Hindi lang ikaw ang may problema. Oo, nakakaramdam din ako ng takot tuwing ipinahahayag ko ang      aking damdamin. Matapang ka dapat kung magsasalita ka. Kahit natatakot ka, dapat, kaya mong ipaglaban ang paniniwala mo.

Naniniwala siyang para sa kapakanan ng lahat ang kanyang mga opinyon. Ang importante sa kanya, wala kang tinatapakang tao sa tuwing naglalabas siya ng kanyang saloobin.

“Kailangan mong maging totoo sa iyong sarili,” sabi pa niya.

Sa usaping puso, kailan ba ang nakatakdang pakikipag-iisang dibdib niya kay Neil Arce? Naapetukhan ang kanilang kasal ng CO­VID-19 pandemic. Pero planado na raw ang lahat at sadyang hinihintay na lamang nilang maging maayos ang sitwasyon.

Hindi maikukubli ang kasiyahang nararamdaman nina Angel at Neil sa ngayon. Basbas na lamang ng kasal ang kulang sa kanila.

ALBERT MARTINEZ NAGMUMURANG KAMATIS

Pumutok sa blind item na isang beteranong aktor ang nagi­ging malapit sa isang baguhang aktres. LagiALBERT MARTINEZ raw itong pumupunta sa kanyang kuwarto o sa improvised tent para sa kanya. Marami talagang usiseraat usisero kaya kumalat ang tsismis.

Si Albert Martinez ang bida sa BI (blind item) na may dyowang baguhang artista. Yes! At nailantad tuloy ang katauhan ni Faith de Silva, anak ng actor na si Dennis da Silva, na dating talent ng Viva at produkto ng That’s Entertainment.

As of press time, hindi pa nagsasalita si Albert kung totoo ba o hindi ang isyu sa kanila ni Faith. Sa tagal na niya sa syobis, ngayon pa lamang siya inintriga dahil sa babae. Sakaling maugnay siya sa isang artista, wala naman sigurong masama. Biyudo naman si Albert. Puwedeng magmahal uli. At sa totoo lang, malakas pa rin ang kanyang sex appeal. Naku, sa panahong ito, hindi problema ang agwat ng edad. Ang importante, nagmamahalan kayo at di magugutom ang iyung karelasyon, no!

JULIA MONTES NASA “FPJ’S ANG PROBINSYANO” NA

SA pag-exit ni Jane de Leon sa sa FPJ’s Ang Probinsiyano, entrada naman si Julia Montes. Yes, balik-JULIA MONTEStambalan sila ni Coco Martin. Walang katotohanan ang balitang matatapos na ang FPJAP sa susunod na buwan.

Sobrang saya ng mga tagahanga ng “CocoJul” dahil matagal na nila itong panawagan sa aktor-producer cum direktor na si Coco. Ang huling tambalan ng dalawa ay sa phenomenal TV drama na Walang Hanggan, kaya sobrang tuwa rin ni Coco na makakasama niya ang kanyang reel at real partner.

Siya nga pala, magkasama ang dalawa sa pelikulang “Policeman” sa direksiyon ni Briliante Mendoza. Unti-unti na yatang inilalantad nina Coco at Julia ang kanilang relasyon. What’s next? Kumpirmasyong may anak na sila?

97 thoughts on “ANGEL LOCSIN BABU NA SA SHOWBIZ”

  1. 188902 330384Wonderful post, thank you so significantly for sharing. Do you happen to have an RSS feed I can subscribe to? 480523

  2. 562548 141184After study numerous the websites along with your site now, and that i genuinely appreciate your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and are checking back soon. Pls have a appear at my internet page likewise and let me know in the event you agree. 987207

Comments are closed.