HINDI dumalo si Angel Locsin sa taunang ABS-CBN Ball ngayong taong 2019 na ginanap sa ballroom ng Shangrila, The Fort kamakailan. Ang nasabing pagtitipon ay para mag-raise ng pondo para sa Bantay Edukasyon Program ng Bantay Bata 163.
Sa Instagram account ni Angel ay nag-post siya ng kanyang mensahe and, it says:
“I salute my friends at the ABS-CBN Ball who is doing their share to promote awareness on children’s rights and to help the beneficiaries of Bantay Bata 163 get the education that everyone deserves.
“As for me, I decided to do my share in a way that I could probably be more of use. I think it would be better for me to donate directly to Bantay Bata the amount that I’m supposed to spend in the ball. It’s not much, but will help make a difference to someone else’s life.”
Kasabay rito ang panawagan ng aktres sa kanyang mga tagahanga na mag-donate sa Bantay Bata 163. Sa parte naman ng aktres, kung magkano man ang kanyang magagastos ay diretsa nitong ido-donate sa nasabing foundation.
Sa puntong ito, marami ulit pinahanga si Angel sa kanyang naging desisyon tulad ng pagbibigay n’ya ng tulong na palihim lalo na sa pagtulong nito sa Marawi.
Kung marami man itong napahanga ay marami rin ang nadismaya sa kanya na umaasang makita siya sa ABS-CBN Ball. Ang rason, isa siyang malaking bituin ng network na dapat makita sa ganitong pagtitipon pero binigo raw sila ng aktres sa taunang pagtipon-tipon ng mga bituin ng network.
Kaya kung marami mang pinahanga ulit ang aktres sa kawang-gawang ginawa ay marami rin ang mga nainis sa kanya sa hindi niya pagsipot.
BEA ALONZO NAG-ENJOY RUMAMPANG MAG-ISA
SA nakalipas na sampung taon ay ngayon lang rumampa sa red carpet si Bea Alonzona walang kasamang date. Ayon sa aktres, ’empowering’ ang pagrampa nitong nag-iisa sa ABS-CBN Ball 2019.
Aniya, “So it feels great naman. It’s actually empowering, it’s liberating, and I’m enjoying it.”
Sa nakalipas na tatlong taon, mula 2016 hanggang 2018 ay kasama nito si Gerald Anderson sa red carpet ng taunang ball na dating kilala bilang Star Magic Ball.
Bago si Gerald, ang dating nobyo at kapwa Kapamilya artist nito na si Zanjoe Marudo ang naging date nito sa Star Magic Ball mula 2010 hanggang 2015.
Napabalita pa nga noong 2010 na bagama’t magkasamang dumating sa ball sina Bea at Zanjoe ay nakita ng ilang onlookers na magkasamang umalis ng ballroom sina Bea at Gerald, na noon ay date ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu.
Samantala, kung solong dumating si Bea sa ball ngayong taon, kasama naman ni Gerald ang mga co-stars nito sa ipalalabas na teleseryeng A Soldier’s Heart na sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Nash Aguas, at Yves Flores.
MS.INT’L 2016 DINURAAN SI MS.UNIVERSE PHILS 2016
PINANGALANAN na si Ms. International 2016 Kylie Verzosa ang nandura sa kapwa nitong beauty queen na si Ms. Universe Philippines 2016 na si Maxine Medina na naganap sa taping ng Los Bastardos.
“Carried away” raw si Kylie sa confrontation scene nila ni Maxine kaya nasaktan daw ito sa pangyayari pero nagkaayos na raw ang dalawa dahil nag-sorry na sa kanya si Kylie sa pandudura sa kanya.
Matatandaang magka-batchmate sina Kylie at Maxine sa 53rd edition ng Binibining Pilipinas noong 2016 at wala naman umanong personal na hidwaan ang dalawa. Nagkataon lang daw talagang nadala si Kylie sa kanilang eksena, lalo pa’t noon pa sila nagkaroon ng mga fight scene sa Los Bastardos.
Comments are closed.