ANGEL LOCSIN CONSIDERS HERSELF A PUBLIC SERVANT PERO WALA SA UTAK ANG POLITIKA

BUSY man sa kanyang fund drives at relief operations pero never na pumasok sa isipan ni Angel Locsin ang politika.sizzling bits

Hindi raw kailangan ang isang posisyon sa gobyerno para makatulong sa kapwa.

Ito ang pinagdiinan ni Angel sa kanyang live chat last Friday, May 1, in connection with a Facebook launch of Regal Movies At Home.

Ang nasabing proyekto ng Regal Entertainment ay naglalayong makakuha ng donasyon para sa frontliners.

In connection with this project, tatlong pelikulang produced ng Regal ang sumalang sa livestream tulad ng I Will Always Love You, that was starred in by Angel and Richard Gutierrez.

Magkasabay na na-interview sina Angel at Richard prior to the streaming of their movie.

Sa live chat, pinasalamatan ng isang Facebook user si Angel sa consistent nitong pagtulong sa mga taong affected ng crisis.

Bilang follow-up, naitanong ng Facebook user kung may balak bang pasukin ng aktres ang pagiging public servant.

“Public servant naman po kami bilang mga artista, e.

I think iyong buhay naman namin is very public. Lahat naman ito ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung hindi gusto naming magbigay ng entertainment sa mga tao.”

In the end, diretsahang nai-stress ng aktres na wala siyang balak pasukin ang politika.

 

(Dumating sa set na lasing) UNPROFESSIONAL NA AKTOR TINALAKAN NI JACLYN JOSE 

RIOT ang tsikahan nina Gina Alajar, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa at Lorna Tolentino sa first session nila ng Actor’s Cue last May 1.jaclyn jose

Highly intriguing ang blind item ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose kaugnay ng unang session ng Actors’ Cue sa Facebook page ng Extend the Love in connection with an actor who reported on the set drunk and who vomited while they were doing a scene.

“Ako talaga, bilang laki ako kay Tita Chato (Charito Solis), di ba?

“Sa kanya ko natutunan yung, ‘You have to discipline the next generation. If not, walang mangyayari sa industriyang ito.’

“Meron na akong nasabihan na aktor ngayon na gano’n, e. Sabi ko, ‘This is not because of my winning. This is my personality as an actor.’”

Kaya raw walang nangyayari sa industriyang ito ay dahil sa mga artistang unprofessional na kagaya ng aktor na kanyang nakasama.

Jaclyn stressed na hindi niya gawaing tumalak sa kanyang co-actor at kadalasa’y naghihintay lang siya sa set.

Ang kaso, dumating daw sa set ang aktor na lasing. They were in the middle of a take when the actor vomitted.

Naturalmente, they had to stop. Kailangang bigyan ng kape ang aktor at punasan.

Hindi naman daw siya terror na aktres kaya lang na-freakout siya sa unprofessionalism nu’ng aktor.

Natawa nang malakas sina Gina at Elizabeth.

Ang second session ng Actors’ Cue ay kagabi, Mayo 3, Linggo, 8:00 p.m., sa FB page pa rin ng Extend The Love.

Featured dito sina Raymond Bagatsing, Nonie Buencamino, Ricky Davao, Alan Paule, at Bembol Roco.

Ang third session would be on Mayo 4, Monday at 8:00 p.m.

Moderator ng Actor’s Cue ay si Direk Adolf Aliz Jr, at panelists sina Piolo Pascual (Philippines), Ananda Everingham (Thailand), Nicholas Saputra (Indonesia), at Rhydian Vaughan (Taiwan).

 

YAYO AGUILA DI MALAMAN KUNG MATUTUWA O MATATAWA SA BAGONG TITULO NIYA

PINAG-USAPAN ang torrid kissing scene nina Royce Cabrera at Yayo Aguila which is supposedly ‘savage’ and ‘legendary’, right after na yayo aguilamapirata ang Cinemalaya 2019 film na Fuccbois noong Abril 29, Miyerkules, sa YouTube at Facebook.

Ang sabi ng mga intrigerang netizens, sinalin na raw sa kanya ni Angel Aquino ang korona.

Anyhow, Yayo is now being hailed as the new Laplap Queen.

“Hahahahaha!  Natutuwa ako na natatawa sa Laplap Queen,” Yayo was quoted to have said in a Messenger interview.

Hindi raw niya makuhang magalit dahil totoo namang kanyang ginawa ang eksena, and she doesn’t have any regrets.

“I love our film, I love the character that I played, and I’m proud na ginawa ko yun.

“Kasi, mahal ko ang trabaho ko.”

Her role in the movie was brief but memorable.

Dahil dito, maraming bading raw ang nainggit sa kanya.

Mas feel ng mga syokla ang kanyang characterization rito as compared sa gay character ni Ricky Davao na “pinatay” nina Royce Cabrera at Kokoy de Santos.

Pahayag ng ex ni William Martinez, “Thankful ako sa good comments. Yes, flattering siya… lalo coming from the gay community whom I truly admire and have great respect for.

“Happy ako for Kokoy and Royce, kasi ang husay-husay nila sa pelikula and deserve nila ang appreciation at palakpakan sa pag-arte.

“Sana, ma-appreciate ng viewers yun that way, not in any other way.”

Kay Yayo pa rin, nagulat raw siya na may mga gumamit ng kanyang pangalan sa Twitter and in bad taste at that.

Na-upset din siya sa kanyang pag-trending in connection with the indie movie Fuccbois na pinirata na sa social media.

“Nakaka-upset yung LEAK at illegal uploading ng FUCCbois sa YouTube, followed by the sharing ng links,” she asseverated.

“Alam naman ng lahat, I believe, that PIRACY IS A CRIME! Hindi biro ang gumawa ng pelikula at lalong hindi biro ang pinagdaraanan ng producer, director at buong team para mabuo ito.

“Sana naman, nag-iisip ang mga tao, huwag insensitive! Pero andiyan na, harm is done! Inaaksyunan naman ng team ang nangyari.”

Comments are closed.