ITINALAGA bilang ambassador para sa anti-piracy campaign ng Optical Media Board ang aktres na si Angel Locsin.
Sinabi ni Angel: “Hindi ko iniisip na parang ako lang. Para sa akin tayong lahat ambassador nito kasi ito ‘yung industriyang bumubuhay sa mga pamilya natin,” anito.
Maging si Angel ay naging biktima rin ng pamimirata sa kaniyang mga naging pelikula, kaya matindi ang pagsuporta niya sa bagong tungkulin.
Ayon sa aktres, simula nang pumasok ito sa industriya ay talamak na pamimirata. Marami umanong nakitang producer na umiiyak at nararamdaman na paliit nang paliit na ang movie industry.
Abala rin sa kasalukuyan ang aktres na nakatutok sa charity works at mga proyekto, bukod pa sa wedding preparations nito sa susunod na taon.
Comments are closed.