(Angel PolishNail Spa) PARA LALO KANG GUMANDA

HALOS 19 years old pa lamang si Angel Arcega nang magtayo siya ng sariling nail salon s Kawit, Cavite. Mahilig kasi siyang magpaganda kaya kesa gumastos ng malaki sa manicure at pedicure at sa hairstyling, itayo na lamang niya ang negosyong ito. Isa pa, madalas siyang sumali sa Beauty Pa­geant kaya tamang tama ang negosyong ito sa kanya.

Habang tumatagal ay nagiging maayos naman ang takbo ng kanyang negosyo. Mula sa kita dito ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay at nakabili na rin siya ng mga sasakyan. May tatlong branches na ito ngayon sa Cavite.

“Bata pa lang ako, pangarap ko na talagang makapagtayo ng sariling business. Gusto ko talaga yuma­man magkaroon ng maraming pera. Kaya noon nagkaroon na ako ng pagkakataon na makapag-business ay di na ako nagdalawang isip,” ani Angel. Sa ngayon, may 600 colors na pagpipilian ang mga clients ng Angel nail spa.

Samantala, masa­yang humarap sa amin ang bagong alaga ng Viva na si Angel. Exci­ted na kasi ito dahil ipapalabas na ang sa October 8 ang una niyang movie with  Andrew E na Shot-Shoot.  Isa si Angel sa mga napiling leading lady ni Andrew E sa mo­vie na ito.

“Super excited na ako na mapanood ang una kong movie na kasama ko pa ang magaling na komed­yanteng si Andrew E,” bungad sa amin ni Angel. Paano ba siya napasama sa movie na ito?

“Actually, noong nagpunta kami ni Atty Ferdie Topacio sa Viva at ipina­kilala ako kay Boss Vic ay hindi pa naman sure na mag-aartista ako,” aniya. “Pero nang makita ako ni Boss Vic, tinanong ako kung gusto ko raw mag-artista. Siyempre, ang sagot ko, opo. Agad akong pinapirma ni Boss Vic ng kontrata sa Viva.”

Pinayagan naman siya ni Atty Topacio na pumirma ng kontrata. Iti­nuturing niyang mentor si Atty. Topacio kaya kapag pumayag ito, ibig sabihin, walang problema.

“Tinutulungan po ako ni Atty Topacio sa career ko at hindi na niya ako itinuring na ibang tao,” dagdag pa niya. “Sobrang bait sa akin ni Atty kaya naman inaayos ko ang lahat ng mga projects na binibigay sa akin.”

Sa tulong daw ni Atty. Topacio ay napapagsabay niya ang pag-aartista at pagnenegosyo.

Medyo nahirapan daw si Angel noong una sa shooting niya with Andrew E, dahil first time niyang gumawa ng pelikula at hindi pa niya gaanong kilala ang mga kasama. Pero the follo­wing day ay naka-adjust na siya at nakikipagbiruan na sila sa set. Lock-in shoot kasi sila ng seven days kaya sila-sila lang ang magkakasama so wala silang choice kundi maging malapit sa isa’t isa. Na­ging maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng lahat lalo na si Andrew E na sobrang maalaga sa set sa lahat ng kanyang mga kasama sa movie.

After ng movie na Shoot-shoot, sisimulan daw ni Angel sa December ang isa pang movie under Borracho Film na si Atty Topacio ang producer. Nag-meeting na raw sila sa office at inaayos na ang script. Isa itong Sexy Comedy kaya inihahanda na niya ang kanyang sarili. Dito na uli pumapasok ang Angel nail spa dahil dito siya magpa-practice ng hitsurang ipo-project niya sa screen.

Bago ang business at pag-aartista ay kontesera muna sa mga beauty pageant si Angel. Marami na siyang nasalihang beauty pageant at mga Bikini Open, lagi naman siyang umuuwing winner. Bawat panalo niya ay ini-invest niya sa kanyang negosyo kaya lumaki ito.

Ngayong successful na siya bilang artista at negosyante, success din kaya sa pag-ibig? May nagpapatibok na ba sa kanyang puso?

“Actually meron po, kaya lang, unahin muna natin ang career para sa future,” aniya. “Kung inspirasyon lang, okay pero yung totohanan, saka na lang,” pag tatapos ni Angel. – BENNY ANDAYA

6 thoughts on “(Angel PolishNail Spa) PARA LALO KANG GUMANDA”

Comments are closed.