May second baby na pala si Angelica Panganiban, tsismis ni Judy Ann Santos. Parang nagmamadaling dumami ang anak. The biological clock is ticking nga naman, at kung hindi niya mamadaliin, one day soon, hindi na siya pwedeng magbuntis.
Ewan kung totoo ang tsismis ni Judy Ann, pero magiging napakasaya ng mag-asawang Angelica at Gregg Homan kung buntis siya uli.
Sobrang masaya na raw ngayon si Angelica dahil napatunayan niyang may forever din siya, may anak pa – si Amila Sabine. At kung buntis nga ngayon si Angge, double happiness yan.
Nag-renewal of vows sina Angelica at Gregg sa Siargao noong April 20, 2024. Una silang nagpakasal sa Los Angeles, California, USA, noong December 31, 2023 matapos ianunsyo ang kanilang engagement noong October 2022. NLVN