NAGBABAKASYON ngayon sa Rome si Kapamilya actress Angelica Panganiban with some friends, at sa pamamasyal nila sa isang lugar doon, ang pamosong Spanish Steps kung saan nag-pose siyang nakaupo roon, nasita siya ng pulis at pinaalis.
Emote ni Angelica sa kanyang Instagram wall: @iamangelicap For almost 28 years, I have been infront of the audience. Na-ramdaman ko paano mahusgahan. Paano panoorin ang bawat galaw mo. Paano magsalita, lumaban, para sa sarili mo. Sa pag-upo ko sa Spanish Steps… nahusgahan ako… bawal pala umupo rito. Sorry na po, mga pulis – at least, nakaisa.
Maraming taga-roon na mga kababayan natin ang nag-comment. May nagtaka bakit daw bawal magpa-picture, may nagsabi naman na matagal na raw bawal doon, o kahit saang lugar sa Rome. Sabi ni @noelescondo bawal umupo, sana humiga ka na, na sinagot ni Angelica na @noelescondo ‘di ba, pahiga na posing ko? D’yan ako nasita. Sinisita nila lahat. Kahit sa Trevi, bawal na umupo.
May mga nagpayo naman kay Angelica na “ingat sa pag-upo kung saan-saan, Angge!” Kaya raw pala wala nang tao, dati raw super dami pumupunta roon. Say naman ni @pinkay720 Halaaa idol, may multa na d’yan kapag umupo. Ingat po.
Marami namang nag-i-invite kay Angelica na pumasyal sa ibang lugar sa Rome. Nasa Rome si Angelica dahil doon siya magsi-celebrate ng 33rd birthday niya sa Monday, November 4. Ayan po, may advice na sa inyo si Angelica, iyong mga may balak mag-punta ng Rome, tandaan ninyo, bawal maupo kung saan-saan doon.
RURU MADRID ‘DI NAIPARAMDAM NA SHOWBIZ CRUSH NIYA SI JASMINE
NANG mapabalita na magtatambal ang dalawang Kapuso stars na sina Jasmine Curtis Smith at Ruru Madrid, sa “Cara X Jagger,” may mga nagsabi nang tiyak daw magiging chick boy na naman si Ruru sa magiging bagong leading lady niya. Noon pa ay sinabi na ni Ruru na showbiz crush niya si Jasmine.
Kaya noong mediacon ng movie, natanong si Jasmine kung alam ba niya na showbiz crush siya ng leading man niya?
“Hindi po naman niya ipinaramdam sa akin,” nakangiting sagot ni Jasmine. “Pero napansin ko po lamang masyado siyang maalaga sa akin noong nagsu-shooting kami. Like kung naka-high heels ako at kailangan kong maglakad nang malayo, nandu’n siya, inaalalayan niya ako. Napaka-gentleman niya, hindi lamang sa akin, ganoon din sa ibang babae na kasama sa cast. Wala po namang nangyaring pormahan sa set. Siguro po dahil alam naman ni Ruru na may boyfriend na ako, alam niya kung gaano ko ka-love ang boyfriend ko, si Jeff (Ortega).”
Sa “Cara X Jagger,” ay dati silang mag-sweetheart pero may aksidenteng nangyari kay Jagger na nawala ang kanyang memory at nasira ang kanilang relasyon. Si Cara naman ay pilit na kinalilimutan ang nangyari sa kanila ni Jagger. Babalik ba muli ang memory ni Jagger at mabubuo muli ang pagmamahal nila sa isa’t isa?
Isang co-production venture ng APT Entertainment at ng Cignal Entertainment na pumalaot na sa pag-pu-produce ng local films.