ANGELICA PANGANIBAN RUMESBAK SA SOCMED NA SIYA AY UMA-ATTITUDE

ANGELICA PANGANIBAN

HINDI na nakapagpigil si Angelica Panganiban na magpasaring ulit sa social media dahil sa paratang nahotshots may attitude.

Nagsimula raw  ito nang manghingi siya ng pagkain  sa set ng ginagawa niyang pelikula.

Knowing sa pagiging prangka at hindi uso sa kanya ang mang-echos  lalo  na kung nasa katuwiran ay wala itong pakialam na sasabihin kung anuman ang gustong gawin.

Dahil nga sa pagtawag sa kanyang ng may attitude ay nag-tweet ito na hindi na siya maghahanap ng makakain  kapag  nasa shooting.

“From now on. Hindi na ako maghahanap ng pagkain sa shoot. Attitude pala ang tawag dun. Sorry ha. Nahihiya ako sa inyo. (Nag-alok naman  kasi ng kape),” tweet pa ng Kapamilya actress.

“Haha. Mali  ako. Dapat daw pumunta ako sa trabaho na busog. At  kapag sinabing tumayo ka sa isang sulok, sumunod ka! Kung hindi, may attitude ka,” pahabol pang tweet ni Angelica.

Marami naman netizen ang kumampi kay Angelica at nagsabing may katuwiran naman daw ang actress sa pag­hingi ng maka-kain dahil nasa shooting set ito at dapat may hinahandang pagkain daw ang production sa mga atista.

Well, sa pagkakaalam namin ay may pagkain naman talaga sa bawat shooting at sabay-sabay silang kakain kapag break time (ang mga artista at mga extra).

ALDEN AT KATHRYN ‘DI NAKADALO SA INT’L

SCREENING SA HONG KONG, IWAS RALLY

HINDI  na nakadalo sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa gaganaping international screening ng kathryn and aldenkanilang blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong this Sunday, August 18 and August 25.

Ang dahilan ay security reason ng dalawa at mga artista kasama rin sa movie dahil sa patuloy na protesta ng mga Tsino sa Hong Kong. Baka magkaroon nga naman ng problema kapag nasa nasabing bansa na ang dalawa. Pero ayon naman sa Star Cinema, production outfit ng blockbuster movie ay tuloy na tuloy ang screening sa nasabing petsa.

Makakadalo sina Alden at Kathryn sa screening ng kanilang movie sa Singapore sa August 18.

Samantala,  kung marami ang natatakot na magbiyahe sa Hong Kong ay wala pakialam bumiyahe doon ang grupo nina Julia Barretto at Alex Gonzaga.

Walang malinaw na dahilan kung bakit sila pupunta doon na kasalukuyang nagdadaos ng rally ang mga tao naninirahan na humihi­ling na maging malaya ang kanilang bansa.

Halos pareho naman ang pino-post na larawan nina Alex at Julia habang nasa Hong Kong, ang paglalakad  habang umiinom ng milktea.

Hanggang ngayon ay wala pa rin malinaw na balita kung yung mga na-stranded na mga pasahero sa Hong Kong ay nakauwi na o nanatili pa rin nandoon dahil sa mga protesta na pinaglalaban ang full democracy.

GABBY CONCEPCION SINALO ANG ROLE NI  DEREK KATAMBAL NI KRIS    

Si Gabby Concepcion ang sumalo sa dapat sanang role na ini-offer kay Derek Ramsay para makatambal GABBY CONCEPCIONni Kris Aquino movie na entry sa Metro Manila Film Festival.

Happy naman si Kris, si Gabo ang pumalit kay Derek dahil  fan siya ng Gabby at Sharon tandem.

Kaya sa first shooting ni Gabo ay nagpunta rin si Kris kahit wala ito eksenang kukunan dahil gusto niyang makausap si Gabo tungkol sa balik-tambalan nila ni Sharon Cuneta.

Yes, kaagad ang sagot ni Gabo kay Kris nang tanungin niya ito kung pa­yag matuloy ang reunion movie nila ng Megastar.

Kung matutuloy Gabo at Sharon movie ay posibleng mangyari ito next year dahil kailangan munang tapusin ni Gabo ang movie pagsasamahan nila ni Kris.

4 thoughts on “ANGELICA PANGANIBAN RUMESBAK SA SOCMED NA SIYA AY UMA-ATTITUDE”

  1. 68104 248945Im often to blogging and i in actual fact respect your content. The piece has in fact peaks my interest. Im going to bookmark your content material and preserve checking for brand new information. 442536

  2. 702901 17803Cheapest player speeches and toasts, or maybe toasts. continue to be brought about real estate . during evening reception tend to be likely to just be comic, witty and therefore instructive as properly. finest man speeches free of charge 96781

Comments are closed.