LAHAT ay gagawin ni Angeline Quinto para mapasaya ang kanyang pinakamamahal na ina. Alam ng sikat na singer/actress na matagal nang gustong makita ng personal ng kanyang ina si Piolo Pascual.
Sa pagmamahal nga sa kanyang ina ay hindi na nakapaghintay si Angeline na bigyan ng sorpresa ang kanyang Mama Bob para sa pagdiriwang ng Mother`s Day.
At ang iniregalo nga ni Angeline sa ina para sa pagdiriwang ng Mother`s Day ay ang actor na si Piolo Pascual. Ang pagkikita nga ng kanyang ina at ni Piolo ay mapapanood sa short video sa Instagram wall ni Angeline.
Hindi puwedeng ikaila na bakas na bakas sa mukha ng nanay ni Angeline ang labis na kasiyahan nang makita ng personal ang idol nito na si Piolo. Dalawang beses niyakap ni Mama Bob ang actor at todo puri kay Papa P.
KOBE AT ANDRE PARAS WALA SA TONO NA NAGALIT
ANG STEPMOM NANG MAKIPAGKITA SA TUNAY NA INA
KUNG pagbabasehan ang naging pahayag ng magkapatid na Kobe at Andre Paras ay lumalabas na walang katotohanan na nagalit ang stepmother ng magkapatid nang tawagan ni Kobe ang kanyang biological mother na si Jackie Forster.
Balita kasi nang magkita-kita ang mag-iina ay hindi raw nagustuhan ng stepmother nila ang ginawang pagtawag ni Kobe kay Jackie, kaya masama raw ang loob ng stepmother at kesyo galit daw diumano ito kay Kobe.
Ang sabi naman ni Kobe sa interview sa kanya ng gmanetwork.com, nu’ng maliliit pa raw sila ni Andre ay tinatanong sila ng kanyang ama na si Benjie Paras kung gusto nilang makipagkita sa kanilang tunay na ina.
Dahil mga bata pa raw sila noon kaya mas pinili raw nilang hindi makipagkita. Pero ngayon, malaki na silang magkapatid at nasa tamang edad na at marami nang pinagdaanan ay nagawa na nilang magpatawad.
“It`s time to forgive our mom and you know, at least, now were all happy and forgiveness is not something you can force to anyone. Forgiveness takes time,” say ni Kobe.
“I `m just glad na I`m 20 and Andre`s 22. Were more mature and we`ve just decided na it makes sense to just forgive our mom because we lived the lives they have when they were young.
“Now that we`re mature, we`re happy na ito ‘yung nangyayari. I`m just happy na this all happened in God`s blessing,” patuloy pa ni Kobe.
Ang sabi naman ni Andre, ang relasyon nila ngayong ng kanyang tunay na ina ay nasa process of healing.
“Wala naman kaming sinasabi na we hate her, we dislike her. It`s just that we needed time to heal and like what Kobe said, we`re more mature now,” say ni Andre.
“I just want to thank my dad and stepmom for always being there for us, our stepmom for treating us like her own.”
Comments are closed.