HINDI na huhulihin ang mga motorcycle taxi rider.
Ito ay dahil tuloy na tuloy pa rin ang operasyon ng Angkas, Joyride at Move It matapos na magkasundo ang DOTR-Technical Working Group, ang LTFRB at ang mga namumuno sa mga motorcycle taxi sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Transportation.
Ayon kay Transportation Committee Chairman Edgar Mary Sarmiento, ipagpapatuloy ng DOTR-TWG ang kanilang pagdinig sa operasyon at guidelines ng motorcycle taxis hanggang March 2020.
Bukod dito, sumang-ayon na rin ang LTFRB na huwag nang ibaba sa 10,000 ang bilang o cap ng motorcycle taxis na nasa 30,000 at sa halip ay itataas pa ito sa 45,000.
Papayagan na rin ang pilot service ng Angkas sa Metro Cebu at Cagayan de Oro.
Babawiin na rin ng Angkas ang kasong isinampa laban sa DOTr.
Habang binubuo pa ng Kamara ang batas para sa mga motorcycle taxi, wala munang magiging hulihan sa mga Angkas, Joyride at Move It drivers. CONDE BATAC
Comments are closed.