ANGKAS IGINIIT NA GAWING LEGAL SA SENADO

ANGKAS

IGINIIT ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na gawing legal ang operasyon ng motorcycle ride-sharing service o Angkas.

Nakapaloob ito sa Senate Bill number 2173 na inihain ni Senator Recto.

Sa panukala ni Recto ay kuwalipikadong gamitin bilang public utility vehicle ang mga motorsiklo na 125cc at kayang tumakbo hanggang 50-kilometers per hour.

Ipinunto ni Recto sa kanyang panukala na 6 sa bawat 10 motorsiklo sa bansa ay ginagamit na pampasada.

Ipinaliwanag ni Recto na ang pagtangkilik ng mga pasahero sa motorsiklo ay bunga ng pagkadismaya sa nananatiling problema sa masikip na daloy ng trapiko.

Comments are closed.