NAKAPOKUS ang motorcycle ride-hailing firm Angkas sa passenger safety training sa loob ng kanilang supervised 6-month test run period, ayon sa kanilang regulatory head kamakailan.
Pag-aaralan ng inaprubahang pilot ng Department of Transportation (DOTr), at pag-aaralan ang posibilidad na magtagal na paggamit ng motorcycle taxis bilang public utility vehicles, ayon sa Angkas head of regulatory and public affairs George Royeca sa isang panayam.
“Magsasagawa po tayo ng isang malaking passenger information campaign para sa safety ng pasahero. Tama naman po, valid naman po ang point ng TWG (technical working group) condition na tuturuan niyo ang driver, paano naman ang pasahero,” sabi ni Royeca.
Sinabi ni Royeca na ang Angkas ay may safety record ng 99.7 percent. Ang test run na ito ay isang oportunidad para gawing“fine tune” ang safety parameters para sa motorcycle taxis, aniya.
Nasa 70 porsiyento ng 100,000 driver hopefuls ang bumagsak sa Angkas mandatory safety training program, sabi ni Royeca. Sa kasalukuyan, ang motorcycle ride-hailing firm ay may 27,000 accredited drivers.
Matatandaang sinuspinde ng transport authorities ang Angkas dahil sa “safety” concerns.
Sinabi naman ng ride-hailing firm Grab Philippines na positibo ang kanilang pananaw sa development. Nauna rito, inilunsad ng Grab Philippines ang GrabBike, na nasuspinde dahil sa “regulatory challenges,” ayon sa kanilang spokesperson na si Nicka Hosaka sa isang pahayag.
Comments are closed.