ANGKAS: WEIGHT NOT YET FACTORED INTO BOOKINGS

ANGKAS-6

INIHAYAG ng motorcycle taxi-hailing firm na Angkas kamakailan na hindi pa nila kinokonsidera ang timbang ng pasahero sa kanilang ini-release na bagong app feature, lalo na at sinabi ng kanilang mga pasahero na parang  nakaiinsulto ito sa “heavy” passengers.

Ang popular na transit service na itinuring na alternatibong solusyon laban sa trapik sa bansa, ay nagsabing  “Weight Safety Check” ang patungkol lamang sa kaligtasan.

“This is based on our discussions with the DOTr (Department of Transportation) at the start of the pilot back in June 2019,” sabi ng Angkas operations chief David Medrana, dagdag pa ang mga probisyon ay makikita sa passenger safety cards na dala ng kanilang bikers at online materials.

Nag-update kama­kailan ang Angkas ng kanilang app at inobliga ang mga pasahero na magbigay ng kanilang weight information. Para masiguro ang kaligtasan ng mga biker at mga pasahero, anila, “heavy passengers may be denied.”

Kinailangan  “Weight Safety Check” sa  user na bigyang pansin ang kanilang weight range mula sa mababang 68 kg hanggang 90 kg at higit pa sa 90 kg.

Sinabi ng Angkas na nasa data collection phase pa sila “to study implementation for a safer ride for all.”

“Weight is not yet being factored into bookings. Eventually, our goal is to ensure all bookings match you with the most appropriate bike and biker,” sabi ni Medrana.

Dagdag pa niya, “For now, this should not impact anything from before, and rest assured we are treating this sensitive data with the utmost care.”

Sa reaksiyon naman sa update, ilang users ang nagpahayag ng alalahanin habang ang iba naman ay nagbigay ng nakatatawang reaksiyon.

“Parang nakaka-offend naman ‘yong pagtanggi ng Angkas sa mga mabibigat na passenger. Like paano ‘yon? Ire-reject nila ‘yong booking kapag mataba?” sabi ng isang  Twitter user.

Sabi pa ng isa, “While I appreciate the efforts of the management for giving a safer ride, I am also worried that this might cause a longer time of booking a ride for chubby people like me.”

May isa namang pinili na lamang na magpatawa: “Pinaparamdam na ni Angkas na kaila­ngan ko nang mag-diet,”  post ng isang Twitter user.