ANGKING GALING SA ISANG BAGAY HUWAG HAYAANG MAGLAHONG PARANG BULA

SKILLS

(Ni CT SARIGUMBA)

IBA’T IBA ang hilig at galing ng bawat indibiduwal. Pero may ilan na hindi ito iniingatan. Hinahayaan lang na mawala o maglahong parang bula.

May mga talentong tila ba kadikit na nating mula pa nang tayo’t isilang. Mayroon namang sa bawat pagdaan ng panahon ay saka natin natutuklasan at minamahal.

Narito ang ilan sa mga paraan upang mapangalagaan ang talento o ang king galing na mayroon kayo nang hindi ito maglahong parang bula:

HUWAG SAYANGIN ANG TALENTO

Lahat naman tayo ay mayroong kanya-kanyang talento. Kung alam mo na kung saan ka magaling o ano ang talentong mayroon ka, pahalagahan ito at huwag sasayangin. Halimbawa ay magaling kang magsulat o magsalita sa harap ng marami. Kaysa itago ang kakayahang iyon, ipakita at ibahagi sa iba.

May ilan din kasing mas inuuna ang pangu­ngutya o pakikialam sa buhay nang may buhay kaysa sa ang gawin kung ano sa tingin niya ang tama o mabuti.

Kaya’t kaysa makipagtsismisan o ma­ngialam ng kapwa, mas mainam kung magpo-focus sa iyong sariling kakayahan at gumawa ng paraan upang lalo pa itong mapayabong.

GAMITIN ANG TALENTO PARA SA KAPAKANAN NG NAKARARAMI

Gamitin din natin ang talentong mayroon tayo, hindi lamang para sa pansarili nating kapakanan kundi sa kapakanan ng marami.

Oo nga’t kung minsan, nagagamit natin sa hindi mabuti ang ang­king talento o kakayahang mayroon tayo. Hindi naman maiiwasan lalo na kung hi­nihingi ng pagkakataon.

Gayunpaman, pagsikapan pa rin nating gamitin ito para sa ikabubuti ng nakararami.

IBAHAGI ANG KAALAMAN AT TALENTO

Mas masarap din sa pakiramdam kung naibabahagi natin ang talento o kakayahang mayroon tayo. Kaya’t kung may pagka-kataon, i-share natin ang talentong mayroon tayo. Gamitin din natin ito upang maging inspirasyon ng marami.

Lahat ng bagay, kapag hindi iningatan ay nawawalang parang bula. Kaya naman, huwag nating sa­yangin ang talentong mayroon tayo, ano pa mang talento iyan.

Alagaan at mahalin ang talentong mayroon ka sapagkat isa iyan sa mga bagay na magbibigay sa iyo ng walang humpay na kaligayahan. (photos mula sa agileleanlife.com, financehouse.ae)