RIZAL- IDINEKLARANG drug-free ang tinaguriang “Art Capital of the Philippines ” bayan ng Angono sa lalawigang ito.
Alinsunod ito sa inilabas ng Calabarzon Regional Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Operation at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay acting Mayor Gerardo Calderon, wala pa umanong puwang ang pagdiriwang lalo pa’t higit na mahirap ang pagpapanatili sa nabanggit na estado.
Kasabay nito, hinikayat ng alkalde ang pumunuan ni Maj. Henry Villagonzalo Jr. na paigtingin pa ang kampanya kontra droga at ugnayan sa force multipliers at 10 barangay.
Samantala, inaayos na rin ng lokal na Pamahalaan ng Angono ang isang kasunduan para magkaroon ng mga CCTV ang lahat ng sulok ng bayan.
Nanawagan din si Calderon sa publiko na maging alisto at makiisa sa layunin ng LGU laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.
Aniya, “Masaya kami na drug-free na ang buong Angono. But that does not give us the reason to be complacent. In fact, we find it rather more difficult to sustain what we have collectively attained,” ani Acting Mayor Calderon sa pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council (MPOC).
Binigyan diin ang pagkilala ng DILG ang bayan makaraang masungkit ang grading na 98% sa pinakahuling performance audit report sa kampanya kontra droga.
Una nang idineklarang “drug-free ang 10 barangays tulad ng Kalayaan, Poblacion Ibaba, San Roque, Sto, Nino, Bagumbayan, San Pedro, Mahabang Parang at Poblacion Itaas at ang Barangay San Vicente at San Isidro ang huling na-validate.
Sa huli, tinuran ng acting mayor na ang mga lulong sa droga ay hindi dapat na itinatakwil, siraan o tratuhin bilang kriminal.
Aniya ang totoo, ang mga taong ito ay may sakit at lubhang kailangan ang tulong at pagkalinga. ELMA MORALES