ANGUS BEEF: INDIGENOUS CATTLE BEING REBRANDED FOR GOURMET MARKET

INILUNSAD kamakailan ng Magsasaka, Inc., isang non-government organization (NGO) na may dedikasyon para “linangin ang agrikulturang Pinoy at iangat ang buhay ng mga magsasaka,” ang branding campaign para itawag ng pansin ang Batangas beef o “bakang Batangas” sa isang malawak at angat na merkado.

Ang “Angus Beef” na pinaikling Batangas Beef, ay inilunsad ng Shangri-La sa Fort Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig bilang pagsisimula ng kampanya.

Pahabol ni Dexter Villamin, founder ng Magsasaka, Inc., na sa pagbabago ng animal husbandry practices sa pagpapalaki at pagpapataba ng baka, nagawa nilang dalhin ang isang mid-sized na bakang lokal hanggang sa timbang na higit pa sa  450 kilograms bawat ulo bago pa ito dumating sa dalawang taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni NGO na inihalintulad ng 5-star hotel chefs ang overall quality ng Angas Beef sa isang mas mahal na imported beef.

Dagdag pa ng Magsasaka Inc. na meron itong “tamang dami ng taba at laman na katanggap-tanggap sa bawat kumakain, kabilang na ang health-conscious consumers at discriminating beef connoisseurs.”

Ang Angus Beef ay gawa ng DV Boer Farm, isang agri-business entity na nasa Balibago, Lian, Batangas. Ayon sa report, meron itong 6,000 na baka na pinalalaki sa mahigit 50 “sub-farms” sa buong bansa ngayon.

Comments are closed.