ISA po itong paanyaya para sa publiko upang makiisa sa pagdiriwang ng National Arts Month 2023 ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Ang tema ng pagdiriwang para sa taong ito ay “Ani ng Sining, Bunga ng Galing”. Sari-saring mga programa at pagtatanghal ang magaganap sa buong bansa, kaya’t mainam na mabisita ang Facebook page ng NCCA o kanilang website para sa kabuuang programa para sa buwan ng Pebrero, ang Pambansang Buwan ng Sining (National Arts Month).
Sa linggo, ika-12 ng Pebrero, ay magaganap ang pagbubukas ng selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Sining sa Luneta Open Air Auditorium (Concert at the Park) mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon. Pagkatapos nito ay magkakaroon ng isang pampublikong programa mula alas-6 hanggang alas-8 ng gabi sa Luneta Open Air Auditorium pa rin.
Para sa mga mahilig sa sayaw, may inihandang palihan ang National Committee on Dance para sa publiko. Ang Sayaw Pinoy Workshop ay pangungunahan ni Shirley Halili-Cruz bilang workshop director. Magsisimula ang palihan sa ganap na ala-una ng hapon (Folk Dance). Susundan ito ng Zumba sa ganap na alas-2:30 ng hapon, HipHop sa alas-tres, Ballet sa alas-3:30, at Unity Dance sa ganap na alas-kuwatro ng hapon. Narito naman ang iba pang mga kaganapan sa araw ng pagbubukas ng pagdiriwang (12 February):
Bagumbayan to Rizal: A Historical Walking Tour (sa Conference Room sa likod ng Concert at the Park)
Dulambata: Action Song for Children’s Theater (Japanese Garden Area 2)
Tulaan, Pasiklaban, Spoken Word Poetry Workshop (Chinese Garden Gazebo)
Nando, Botong, and Billy: A Coloring Activity for Kids and Kids-at-Heart (Japanese Garden Area 1)
Sine-Celphone: Mobile Filmmaking (Conference Room at the back of Concert at the Park)
Indak-Sayaw: Dance on Four Genres (Chinese Garden 1)
Kawayan at Gansa: Indigenous Music and Dance (In front of Concert at the Park)