ANIM NA MIYEMBRO NG PROTECTION AGENT TIMBOG

PROTECTION AGENT

LAGUNA – MAGKAKASUNOD na naaresto ng mga kagawad ng Biñan City-PNP ang anim na umano’y miyembro ng Protection Agent habang aktong lulan ang mga ito sa isang kulay puting Nissan Urban sa harapan mismo ng Pagkakaisa Elementary School habang papatapos na ang halalan sa Brgy. San Antonio, lungsod na ito kamaka­lawa ng hapon.

Sa imbestigasyon, sinasabing nasakote ng pulisya sa pamumuno ni PLt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng pulisya, PMSgt. Jing Gonzales at kanilang mga tauhan ang anim na armadong suspek dakong alas-5:45 ng hapon lulan sa nasabing sasakyan may plakang TQH-836 matapos mapaulat na may kinidnap umano ang mga ito bukod pa ang ginawang panghaharas sa ilang botante sa lugar bago ang naganap na halalan.

Base sa ulat ni Laguna-PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta kay Calabarzon PNP Director PMGen. Edward Carranza, naki­lala ang anim na naares­tong mga suspek na sina Antonio Austria, 48, driver, residente ng San Mateo, Rizal; Edward Pontillas, 54, Marilao, Bulacan; Arnel Pamitan, 42, Montalban, Rizal; Edgin Oncepido, 37, Rodriguez, Quezon, City; Ruben Caspi, 44, Tala, Quezon, City; Avin Pavit, 49, Ligaman, Camarines, Sur; at ang itinuturo umanong lider na mabilis na tumakas na si Col. Rey Liwag.

Napag-alaman sa ulat ni Matta na pawang tumatayong VIP Security umano ang mga suspek ng isang kandidato sa lugar.

Narekober sa mga suspek ang apat na kalibre 45 baril, kalibre 38, kalibre 9mm, mga bala, ATM Cards, iba’t ibang ID, 9 na cellphone, cash na mahigit na P10,000 at iba pang personal nilang kagamitan. DICK GARAY

Comments are closed.