SA isang masayang selebrasyon ng anim na taon ng PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid Sa Negosyo – sa kaniyang pagtugon sa hamon sa kabila ng nagbabagong panahon at pag-usbong ng mga modernong teknolohiya, naging matatag pa rin ito na mayroong halong pagyakap ng tradisyonal at makabagong paghahatid ng impormasyon.
Napuno ng pagkain at kasiyahan ang “showroom” ng ISUZU Gencars, Inc. sa panulukan ng Chino Roces Avenue at Dela Rosa St., Makati City sa naganap na selebrasyon at pagkilala sa mga katangi-tanging empleyado, kolumnista, dealers, partners at advertisers ng tabloid na kinilala kamakailan ng 16th Gawad Tanglaw bilang “Best Newspaper-Tabloid”.
Sa mensahe ni boss D. Edgard Cabangon, president at publisher ng pahayagan, ipinaalala nito ang “passion” ng kaniyang ama na si Ambassador Antonio Cabangon Chua na siyang dapat mayroon ang bawat isa para maging matagumpay ang isang kompanya. Pinasalamatan din niya ang bumubuo ng PILIPINO Mirror dahil sa pagpupursige nitong lalo pang mapabuti ang pagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng makabuluhang balita at impormasyong may kinalaman sa pagnenegosyo.
Para naman sa punong patnugot ng pahayagan na si Ginoong Rey Briones, kahit mayroon siyang alinlangan sa pagbabagong-anyo at porma ng tabloid—para maging “unang business tabloid”—alam niyang magiging malaking hamon ito sa kakayahan ng kaniyang editorial team subalit tinanggap niya ang pagkakataong ito na hindi lang dapat nakakahon sa isang kombensyonal na mamamahayag ang isang “diyarista”.
Dahil dito, pinuri niya ang bumubuo ng editorial dahil sa patuloy na pagsisikap para makapaghatid ng balita sa pangkalahatan at impormasyon na makatutulong naman sa maliit na negosyante.
Binigyang pagkilala naman ng PILIPINO Mirror ang The Medical City dahil sa kanilang “invaluable support as advertiser” na dinaluhan ni Ms. Anne Ruth Dela Cruz, communications manager ng naturang ospital. Ganoon din ang natanggap na rekognisyon ng Full Circle Communications, Inc. dahil sa walang sawa din nitong suporta sa pahayagan.
Kinilala naman si Mr. Rudy Esperas, chief photographer, ng “loyalty award” dahil sa kaniyang limang taon o mahigit na serbisyo sa naturang kompanya.
Kabilang din sa mga kinilala ang lahat ng kolumnista, dealers, reporters/correspondents at si Department of Tourism (DOT) Assistant Secretary Frederick Alegre ng pahayagan.
MARAMING SALAMAT PO SPONSOR NG SELEBRASYON
Lubos namang nagpapasalamat ang PILIPINO Mirror sa mga sumusunod na sponsor ng gabing iyon:
Cowboy Grill Bar and Restaurant, sa pangunguna nina Mr. Erickson Caper, marketing manager at Ms. Tetchie De Jesus, OIC-Catering and Functions dahil sa kanilang napakahusay na catering service at masasarap na pagkain. Para magpa-reserve o may mga katanungan, tumawag sa Mabini #522-1474, Malate #522-0429, Las Pinas #801-7644 at Delta #922-1130. Maaari ring bisitahin ang kanilang Facebook Page Cowboy Grill Restaurant at ang kanilang website www.cowboygrill.ph.
Bless Las Paellas ni Mr. Jessie Maloles sa kanilang flavourful Spanish dishes tulad ng napakasarap na paella. Matatagpuan ang Bless Las Paellas sa 256 Aguirre Avenue, Parañaque City o tumawag sa kanilang numero #820-5888. Sundan din sila sa Facebook Page Bless Las Paellas.
BigShaker Mobile Bar para naman sa masarap na inumin sa handaan na tama ang timpla at napakagaling ding serbisyo.
Pizza Pedricos—ang paboritong pizza ng bayan. Special thanks to Mr. Kerwin Tansekiao. Bisitahin din ang kanilang Facebook Page na Pizza Pedricos.
Aging’s Food Delight—sa kanilang napakasasarap na kakanin. Matatagpuan sila sa 17 Pasig Blvd., Bagong Ilog, Pasig City o tumawag sa #671-0172, Facebook Page Aging’s Food Delight.
Healthy Meal PH—para naman sa health conscious na gustong magpa-deliver, tumawag lang sa Globe #0956-0511671, Smart #0949-1540447. Sundan din sa Facebook at Instagram: Healthy Meals Ph, Twitter: @healthymealsph o sa email address: [email protected].
Madriaga’s Catering and Food Service—na matatagpuan sa Mt. K2 Richdale Subdivision, Sumulong Hi-way, Antipolo City. FB Page: Madriaga’s Catering & Food Service o tumawag sa #0917-8173022.
Gardenia Bakeries Philippines, Inc.—especially to Ms. MeAnne Cabrera sa ibinahagi nilang breads para sa mga bisita. Unilab, Inc.—ang Trusted Quality Healthcare.
Trendspotting Ads and Consultancy—ni Mr. Ralph Huertas sa walang sawang suporta at pa-raffle.
Abi’s Manna Bakeshop. At kina Senator Manny at Cynthia Villar, para sa palaging pagpapadala ng litson tuwing anibersaryo ng PILIPINO Mirror. CRIS GALIT (kuha nina RUDY ESPERAS AT NIKON CELIS)
Comments are closed.