ANNA MAE YU LAMENTILLO AT JOEL LACSAMANA SA BAGONG HENERASYON NG KARAMBOLA SA DWIZ882

ni Judith Estrada Larino

MGA  Bagong Boses sa Bagong Henerasyon ng KARAMBOLA sa DWIZ otso otso dos!

Ito ang kapwa nais patunayan nina Anna Mae Yu Lamentillo at Joel Lacsamana sa pagsama nila bilang bagong anchors ng Karambola, ang nangungunang programa ng Himpilang may todong lakas!

Mula sa pagiging administrador ng Build, Build, Build program at dating spokesperson ng Department of Public Works and Highways ..tila isang pinto pa ang nabuksan para kay Anna Mae Yu Lamentillo para mas makatulong sa sambayanan sa pagpapakalat ng mga totoo at magagandang balita.

Kaya nga, ayon sa opinion columnist ng ilang kilalang diaryo, itinuturing niyang malaking karangalan na maging bahagi ng Karambola na ang mga host ay “accomplished men at women” na mula sa larangan ng media at public service.

Higit pa ang kasiyahang maging bahagi ng Karambola mula sa pagpa-publish ng sumikat na librong NIGHT OWL, sinabi ni Lamentillo na nagpapasalamat siya kay Mr. D. Edgard Cabangon sa oportunidad na maging bahagi ng DWIZ at Aliw Broadcasting Corporation.

Kasabay ng pagmamalaki sa kanyang natapos sa kolehiyo aniya’y exciting experience na maibahagi sa publiko sa pamamagitan ng himpapawid ang mga learnings niya mula sa pinanggalingang development institutions tulad ng Food and Agriculture Organization of the United Nations at United Nations Development Programme kung saan siya nagsilbing Communications Consultant.

Ayon kay Lamentillo ..”As a graduate of DevCom, this is an exciting experience for me not only because I get to practice my craft, but also that I will be able to share my learnings when I was with development institutions and my experiences in public service.”

Higit pa aniyang nakapagpapa -excite sa kanya ay ang pakikipagpalitan niya ng mga kaalaman at komentaryo sa mga kasamang anchors ng Karambola na pinapasalamatan din niya sa pag-alalay sa kanya “on air”.

“But the more enriching part would be learning along the way as I do this side-by-side with my senior co-hosts, Mr. Conrad Banal, Cong. Jonathan Dela Cruz, and Atty. Larry Gadon. Exchanging views with them keeps me on my toes, but I’m thankful that they are guiding me”.

Dahil dyan, maaga man ang gising nya, tiniyak ni Lamentillo na masaya siyang sasalang sa Karambola.

Ani Lamentillo: “I now always look forward to 8:00 in the morning. I hope to contribute to keeping Karambola an informative, exciting, and engaging program”.

Bitbit ni Lamentillo sa kanyang pag sargo sa Karambola ang ‘ika nga’y mga karanasan niyang makapagbibigay inspirasyon sa mga manonood at tagapakinig ng programa gayundin ang mga pagkilalang nagpapatunay ng kanyang malasakit sa sambayanan.

Kabilang dyan ang Veritas Medal mula sa Harvard Kennedy School Alumni Association-Philippines, Women of Style and Substance, 2019 Game Changer, ASEAN Mover and Shaker, Natatanging Iskolar Para sa Bayan, Bayer Young Environmental Envoy Awardee at Oblation Statute Awardee for the Virtues of Industry and Magnanimity ng Office of the Student Affairs-UPLB.

HINDI LANG ISA KUNDI 2

Yes, dalawang dagdag karambolista para sa mas pinaganda at ini-level up na nangungunang programa sa DWIZ otso otso dos!

Ganito ang ihahaing putahe ng karambola sa pagpasok ng ikalawang bugso ng 2022 dahil hindi lamang si Lamentillo ang ibabandera ng tropang karambolista kundi ang kilalang kolumnista at editor at personalidad sa mundo ng Corporate Communications na si Joel Lacsamana.

Ayon kay Lacsamana, isang malaking karangalan sa kanya na maanyayahang maging bahagi ng Karambola para sa mas makabuluhang talakayan at huntahan tuwing umaga ng Lunes hanggang Biyernes.

Natutuwa aniya siya dahil hindi na siya bago sa palitan ng pananaw at kuro kuro ng Karambola hosts.

Sinabi ni Lacsamana ..”Malaking karangalan sa akin ang maanyayahan sa programang Karambola sa DWIZ at makisali sa mahalagang talakayan at masayang huntahan sa programang ito.Matagal na akong tagasubaybay ng programa mula noong andyan pa si Jojo Robles at makakasama ko na sina Conrad Banal, Atty. Trixie Cruz-Angeles at Congressman Jonathan dela Cruz na mga anchor nito ngayon.”

Umaasa si Lacsamana na sa pagsali niya sa Karambola ay higit pang iingay ang DWIZ program para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Ayon kay Lacsamana: ”Sana ay makapagbigay din ako ng kuro-kuro at iba pa sa mga usapan tuwing umaga dahil isa na rin itong kontribusyon ko para makatulong sa bayan, at sa mga kasalukuyang namamahala nito.”

Si Lacsamana ay nagsilbi rin sa gobyerno bilang Assistant Secretary ng dating DOTC na ngayo’y DOTR na at Communications Adviser/Consultant ng ilang mga naging kalihim ng mga departamento sa pamahalaan.

Hindi rin naman magpapahuli at makakaalpas sa mga mapanuring mata at isip ni Lacsama ang mga importanteng usaping malapit partikular sa sikmura ng mga Pilipino bilang propesor ng Public Relations at Journalism sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Bago ang lahat ng ito, isang seasoned business journalist si Lacsamana na noong dekada otsenta at nubenta ay naging bahagi ng Business Day, Financial Post at Manila Chronicle news organizations.

Si Lacsamana ay nagsilbi ring Singapore correspondent para sa Asian Business at Asian Magazine at naging editor ng business/lifestyle publications sa Singapore, Malaysia at Indonesia sa una hanggang kalagitnaang bahagi ng 1990s.

Sa kasalukuyan, si Lacsamana ay editor ng Property, Real Estate and Construction section ng Manila Standard.

Kaya tutok na ..sa pinaigting at ini level up na pagsargo ng mga karambolista sa programang Karambola, Lunes hanggang Biyernes, alas otso hanggang alas diyes ng umaga.

Hinding hindi mabibitin sa dalawang oras na palitan ng mga opinyon at mga balitang may kabuluhan kasama sina Conrad Banal, Congressman Jonathan dela Cruz, Atty. Larry Gadon, Anna Mae Yu Lamentillo at Joel Lacsamana.

Halika na ..mag-KARAMBOLA na, live na live sa Facebook page at You Tube channel ng DWIZ 882!