ANNE AT KARYLLE MAGKASOSYO SA KTV SA BGC

anne and karylle

DATI nang may sariling KTV Bar na Centerstage sa Timog Avenue ang singer-host na si Karylle Yuzon. entra eksenaIsinara ito ni Karylle dahil sa magulo ang naging set up sa mga kasosyo. Ngayon ay muli siyang nagbukas ng KTV Bar na pinangalan nila ng kasosyong si Anne Curtis na Rockstar KTV.

Ang pagkakaiba ng kanilang KTV ay may room sila na nakalagay sa wall ang pangalan ng mga sikat na K-Pop groups tulad ng BTS, EXO, at Red Velvet.

May mga room din na kanilang ipinangalan sa mga famous Hollywood singer na sina Beyonce at late King of Rock En Roll Elvis Presley. Ang nasabing classy Karaoke Bar ay located sa 5th Level SkyPark Garden at SM Aura.

RYAN AGONCILLO BACK TO EAT BULAGA NA

ILANG buwan ding namahinga sa kanyang hosting sa Eat Bulaga si dabarkad Ryan Agoncillo. Last ryan agoncilloMonday ay balik-Bulaga na si Ryan dahil sa magaling na at okay na ang kanyang knee injury na ilang buwan ding ginamot sa pamamagitan ng regular thera-py.

Ayon sa report, mabilis na naka-recover si Ryan dahil sa kanyang very loving and supportive na misis na si Judy Ann Santos. Maraming fans ang nasabik kay Ryan kaya naman sinalubong siya ng malakas na palakpakan sa muling pag-apir sa kanyang regular noontime show.

Isa ang TV host-actor sa mahusay na hosts ng Bulaga sa iba’t ibang segment ng programa. Well, ‘yan naman kasi talaga ang ex-pertise ni Ryan at matagal na siya sa field niyang ito.

DOT SEC BERNA ROMULO PUYAT PINANGUNAHAN ANG MULING PAGBUBUKAS NG BORACAY

DOT SEC BERNA ROMULO PUYATANIM na buwan ang itinagal ng rehabilitation ng Boracay sa pangunguna ni DPWH Sec. Mark Villar, DILG Sec. Catalino Cuy, DENR Sec. Roy Cimatu at ni Dept of Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat.

Ang dating lugar na halos di na madaanan dahil tinayuan ng maraming establishments ay may kalsada na at komportable na sa mga may sasakyan. Ayon pa kay Sec. Berna, magiging mahigpit daw ang implementation ng bagong rules and regulation. Mas wholesome na rin ito at hindi lang sa mga gustong mag-goodtime o mag-party. Mas pang-pamilya. Lahat daw ng existing na batas ay ipatutupad para mapangalagaan ang kalikasan.

“Ito ang gusto ni Presidente Duterte, ang ipatupad ang mga ordinansa,” ma­linaw na sabi pa ni Secre-tary Berna. Tinatayang umabot sa P490 million ang ginastos ng gob­yerno para sa bagong Boracay.

Comments are closed.