ANNE CURTIS ITINALAGA BILANG UNICEF NATIONAL GOODWILL AMBASSADOR

ITINALAGA nang UNICEF  National Goodwill Ambassador si Anne Curtiz. Napaiyak nga si Anne nanghotshots igawad sa kanya ang pagiging national goodwill ambassador kamakailan.

Sa mga hindi nakaka­alam ay isang taon nang tumutulong si Anne sa mga kabataan  na sponsored ng UNICEF at sinisiguro naman ng actress/TV host na kapag may time siya ay lagi itong available sa mga project ng UNICEF, basta tungkol sa mga bata.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Anne na makikipagtulu­ngan na siya with UNICEF sa ilang mga project, hindi lang sa Pinas kundi  pati na sa iba`t ibang bansa.

Ayon kay Anne mas malaking responsibilidad  ang nakaatang ngayon sa kanyang balikat at gagawin daw niya ang kanyang makakaya para ma-deserve niya ang iginawad sa kanya ng UNICEF.

Samantala, napaiyak din si Anne nang batiin siya ni Dua Lipa nu’ng kanyang birthday.  Hindi siya maka­kibo at napanganga lang talaga matapos na makita at marinig ang isang special birthday greeting para sa kanya ng kanyang paboritong international singer na si Dua Lipa nga.

Mistulang nasa the stage of shock siya habang ipinapalabas ang greeting sa “It`s Showtime  kaya hanggang sa Instagram ay dala-dala niya ang nadamang kasiyahan.

Fan na fan ang dating ni Anne na kinunsidera pa niyang best birthday gift na natangggap. Kaya naman ngayon pa lang ay excited na Anne na muling mapanood ang susunod na concert ni Dua Lipa sa ating bansa kahit na wala pa namang announcement kung magkakaroon nga uli ng concert ang nasabing international singer.

MAXINE MEDINA NAIMPLUWENSIYAHAN NG BF NA PROFESSIONAL DIVER

MAXINE MEDINA-2TILA malaki ang na­ging impluwensiya ng dyowa ni Maxine Medina na isang professional  diver dahil sa sob­rang daring at lakas ng loob ng beauty queen na paghuhubad sa social media.

Kamakailan ay muling binulabog ni Maxine ang netizen sa pasilip na pabukaka  ng beauty queen na halos mag-hello na ang kanyang “flower” habang ito ay  nasa isang beach.

Imbes na masentro ang attention ng follower ni Maxine sa ganda ng paligid ng island ay nasentro ang attention ng mga ito sa pabukaka pose ni Maxine. Ang latest photo nga niya ay ang pagbalandra ng kanyang sexy back suot ang isang white two-piece bikini. Walang pakialam na idinesplay nang bonggang-bongga ni Maxine ang kanyang “behind.”

Bagama`t kung marami ang nabulabog at naseksihan sa larawan ni Maxine ay mayroon ding nanibago sa tapang nitong magpaka-daring na halos maghubo`t hubad na sa social media.

Grabe ang ganda ng katawan ni Maxine na panggigilan ng mga barako  oras na makita ito sa isang beach.

ANGEL LOCSIN NAG-WALK OUT SA TAPING NG TGD

ANGEL LOCSIN-4WALANG makapagsabi kung ano talaga ang tunay na dahilan ng pagwo-walk out daw ni Angel Locsin sa taping ng The General`s  Daughter last February 15 ng hapon.

Tila tinapos lang daw ni Angel ang eksena niya kay JC de Vera at pagkatpos ay nag-impake na ito para umalis. Nag-dialoque daw si Angel ng, “I`m sorry I cannot  do this,” saka raw umalis.

Hindi naman daw na-pack ang taping dahil may mga eksena na kukunan at  hindi kailangan ang presence ni Angel. Walang makapagsabi kung ano talaga ang nangyari pero may haka-haka na baka raw may problema ang actress sa kanilang director.  Pero pinasinungalingan naman ng mga tao kasama ni Angel sa TGD.

May isyu kasi kumakalat na hindi naman ng makumpirma kung totoo o hindi na si Direk daw ay nagmumura at nagsisigaw raw sa set.

Well, anuman ang tunay na rason ay maaayos din ito for sure, lalo na ngayon na tumataas ang rating ng The General`s  daughter.

Comments are closed.