ISANG proud sister si Anne Curtiz kay Jasmine Curtiz dahil sa mahusay na pagganap nito bilang si Manisan sa epic seryeng Sahaya na nagsimulang umere last Monday.
Nag-tweet si Anne praising her younger sister sa highlight video ng Sahaya na kanyang napanood, kaya nanawagan ito sa GMA 7 na sana raw ay laging ganoong role ang ibigay kay Jasmine.
“Watched this highlight video of my Sestram for her performance in Sahaya. Hi, GMA! More roles like this for my amazing actress of a Sestra. Love you! Napakahusay mo talaga!!!” ang tweet ni Anne.
Sumagot naman si Jasmine at nag-“I love you” rin sa kanyang Ate Anne.
Bukod kay Anne, napansin at nagalingan din ang mga nakapanood ng pilot episode ng serye sa ipinakitang acting ni Jasmine.
Pagdating sa paghanga sa husay ng acting ng kapatid ay nangunguna si Anne sa pagpuri. Kung puwede lang na maging supporting character siya para sa kapatid ay gagawin ng walang alinlangan.
Ganyan kamahal ni Anne ang younger sister niyang si Jasmine. Kaya nga kapag may bumabatikos sa kapatid ay nangunguna rin si Anne na nagtatanggol kay Jasmine.
KIER LEGASPI NAGPASALAMAT SA PAGKAMPI SA KANYA NI GRETCHEN
HINDI lang ni-like ni Gretchen Barretto ang naging post ni Kier Legaspi sa Instagram (IG) na, “thank you. God bless you and your family @gretchenbarretto” bilang pasasalamat sa ginawang paglilinaw ni Gretta sa naging isyu nina Kier at anak na si Dani Barretto sa blog na inilabas ni Gretchen.
Hindi lang ‘yun, nag-comment pa si Gretchen ng “I FEEL YOU” kaya nagpasalamat si Kier dahil nalaman ng nakapanood ng blog na gumawa siya ng paraan para mapalapit sa kanyang anak pero sadyang hindi raw pumayag si Marjorie Barretto.
Isinama rin ni-like ni Gretchen ang quotation card na pinost ni Kier galing sa sikat na member ng Beatles na si John Lennon na “Being honest may not get you a lot of friends but it`ll always get you the right ones.”
Samantala, marami ang umaasa at nagdarasal na one of these days ay magkakabati at magkakaayos din sina Gretchen at mag-inang Marjorie at Dani Barretto.
JONA NAAWA SA DRIVER NA NAG-RESIGN DAHIL DAWIT SA KANYANG BUNTIS ISYU
Naawa ang sikat na singer na si Jona sa kanyang driver na nag-resign dahil sa isyung ikinakabit dito at sa kanya.
Nang mag-guest si Jona sa programa ni Boy Abunda ay itinanggi nito ang hindi magandang balita na siya ay nabuntis diumano ng kanyang driver.
“Kawawa naman ang driver ko, napilitang magpaalam sa takot sa lumabas na balita,” pagtatanggol ng sikat na singer na tahimik ang buhay pero binigyan ng isyu na hindi kagandahan.
Isa si Jona na ipinagkalooban ng magandang tinig at boses kaya hindi lang sa ating bansa siya hinahanggan kundi maging sa ibang panig ng mundo na kanyang puntahan.
Zero ang lovelife ni Jona at kahit anong mangyari ay hindi raw siya ang uri ng babae na malulungkot kahit walang karelasyon.