DALAWANG taong inactive si Anne Curtis sa showbiz dahil pagkatapos nyang manganak ay naabutan sya ng pandemic sa Australia, kaya pinili na lang ng magandang aktres na alagaan ang anak nyang si Dahlia Amelie sa Land ng Down Under.
Isa si Anne sa mga pinakasikat at pinaka-bankable na aktres sa Pelikulang Pilipino sa kanyang henerasyon. Halos lahat ng kanyang pelikula ay blockbusters at araw-araw mo siyang mapapanood sa It’s Showtime ng ABS-CBN noong wala pang pandemic. Hindi man kagandahan ang boses ni Anne, bawat concert naman niya ay tinatangkilik ng mga tao. Kasi naman, kahit sikat na sikat, napakabait pa rin ng half-Australian na aktres. Palakaibigan siya sa lahat.
Kamakailan, nabalitaan naming bumalik na si Anne sa Pinas para gumawa ng pelikula sa GMA Films. Pero ani ni Anne, hindi raw ibig sabihin nitong mag-oober da bakod na siya. Kapamilya pa rin si Anne.
CARLA AT TOM WALA NG PAG-ASANG MAGKABALIKAN
Akala ng marami ay “made in heaven” ang pagsasama ng dalawang Kapuso stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Pitong taon silang magkarelasyon at nagpakasal sila noong Oktubre ng nakaraang taon. Pero mahigit dalawang buwan pa lang ang kanilang pagsasama, nagkalabuan.
Masyado raw selosa si Carla. Lahat ng mga leading ladies ni Tom pinagseselosan. Ang latest, dalawang buwan na daw magkahiwalay ng tirahan ang mag asawa.
Sabi ng mga netizens, “guapo pero di naman honest” si Tom. Kung ganito ng ganito, baka malabo na silang magkabalikan. Pataasan ng ihi. Sana magtulungan silang ayusin ang kanilang pagsasama.