MULING isinulong ngayong 18th Congress ang pagpapawalang-bisa sa kasal o annulment of marriage ng mag-asawa kung limang taon na silang hiwalay.
Inihain ni 2nd District Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panukala na naglalayong amyendahan ang Family Code of the Philippines sa pamamagitan ng Article 45-A na nagtatakda na ang isang kasal ay maaaring ipawalang bisa kung ang mag-asawa ay hiwalay na sa loob ng limang taon.
Paliwanag ni Barbers, layon din ng panukala na kilalanin ang katotohanan at ang umiiral na marital condition ng mga Filipino.
Hindi na umano kailangan pa ng malalim na rason para bigyang dahilan ang paghihiwalay ng mag-asawa haang nakasampa ang kaso sa korte dahil ang limang taon na actual separation ay estranghero na ang mag-asawa at malabo na muling magkabalikan.
Bukod dito sa loob din ng limang taon ay maaari nang makapag-adjust at makapag-move on ang isa’t isa at hindi na mapigilan na pumasok sa ibang relasyon.
Ayon sa kongresista, mainam umanong remedyo rito ay annulment para maayos at mapayapang makapaghiwalay at walang ibang dahilan o grounds na kailangan pa para ma-justify ang annulment.
Comments are closed.