ANO ANG AI?

MAGKAKAIBA ang reaksyon ng mga Pilipino sa mga bagong teknolohiya na itinuturing na  senyales ng development sa bansa sa iba’t ibang aspeto at ang pinakahuli ay ang Artificial Intelligence (AI) na nagagamit mula marketing hanggang healthcare.

Ito ay simulation ng computer systems na ang pag-iisip ay parang katulad ng tao upang makapagsagawa ng ilang aktibidad tulad ng reasoning , learning , undestanding language at maging problem-solving.

Batay sa pinakahuling statistics, 73% ng maraming henerasyon ang positibo sa AI na isinusulong ng Department of Trade and Industry at DOST-Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research And Development.

Tuluy-tuloy naman ang paglago ng AI industry sa Pilipinas habang lumalawak din ang mga requirements o pangangailangan dito at sa katunayan, ipinabatid ng Google Philippines na isang transformative opportunity para sa Pilipinas ang dala nito para tugunan ang mga hamong pang ekonomiya sa pamamagitan nang pagpapalakas ng productivity at paglalabas ng human potential.

DIGITAL PHILIPPINES

Bilang bahagi nang pinalakas na commitment ng Google Philippines para sa isang digital Philippines ay nag-a lok pa ang nasabing kumpanya ng AI courses kung saan maaaring mag avail ng scholarship sa DTI, na malaking tulong para makakuha ng mga idea para sa mga bagong produkto o serbisyo, magkasa ng personalized marketing campaigns, pag-automate ng data entry o customer service at makapagpasya hinggil sa resources allocation.

Lumalabas din sa pag-aaral ng access partnership na maaaring pumalo sa P2.8T  o halos P3T katumbas ng P50.7B ang kita hanggang sa 2030 o susunod na taon ng mga negosyo sa bansa na nag-adopt ng AI powered products and solutions.

Ayon kay Dr. Fraser Thompson, Principal Economics Strategy ng Access Partnership, nasa P595 billio ang konstribusyon sa ekonomiya ng Google AI products and services at ito aniya ay 64% na mas mataas kumpara noong 2020 at hatid na P89 billion na export benefits na 14% ng kabuuang economic activity.

Ipinabatid din ni Dr. thompson na malaking tulong ang AI sa pag-level up ng workforce para matugunan ang kakulangan sa digital talents.

Samantala, pina­ngam­bahan ang malawakang magamit ang AI sa midterm elections sa susunod na taon subalit tiniyak ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang mahigpit nilang pagbabantay laban sa paggamit ng AI ng mga kandidato habang nilinaw din ng komisyon na

Wala silang kapangyarihan na panagutin ang mga gagamit ng AI lalo na sa kampanya dahil wala rin naman aniyang batas na nagre-regulate sa social media.

Subalit idinii ng COMELEC chief na nai-refer na nila sa kanilang Committees On Digital Transformation and Kontra Fake News ang isyu ng AI at deepfake news.

Welcome sa SIYASAT Team ang anumang development lalo na sa mga teknolohiya bagama’t dapat maging makatuwiran at mapapakinabangan sa tamang paraan ang mga lumulutang na mga bagong teknolohiya tulad ng AI.

Kaisa ang SIYASAT TEam sa anumang laban o kampanya para iwaksi o hadlangan ang mga pagtatangkang gamitin ang AI upang masira ang maayos na sistema partikular sa 2025 Midterm Elections.

♦♦♦♦♦

Para sa patas na pagtalakay, patuloy na nakikipag-ugnayan ang SIYASAT Team ng DWIZ 882 sa mga kinauukulan pang ahensya ng gobyerno upang higit na malinawan ang issue.