NAPAKASAKIT malamang ang isang kabataan ay dumaraan sa tinatawag na climate crisis, at hindi siya nag-iisa sa nararanasan niyang ito.
Nagsagawa ng survey ang isang grupo tungkol sa climate anxiety ng mga bata at mga kabataan – kung saan sangkot ang 10,000 katao sa 10 iba’t ibang bansa sa mundo. Bawat bansa ay nagpakitang may mataas na antas ng pagkabagot at takot sa mga kabataan dala ng pagbabago ng klima, na nagiging sanhi naman ng mga devastating climate disasters. May kinalaman din ito sa hindi kahandaan ng gobyerno sa pagbibigay ng aksyon para malusutan ang krisis.
Heto ang resulta ng pag-aaral: halos kalahati ng kabataan sa buong mundo ay nagsasabing apektado ng climate anxiety ang kanilang buhay, tulad ng paglalaro, pagkain, pag-aaral at pagtulog.
Abot naman sa 75% sa kanila ang naniniwalang “natatakot sila sa hinaharap,” – na ang pinakamataas ay 81% sa Portugal, habang 92% na-man sa Pilipinas.
Feeling naman ng 58% sa kanila, ipinagkakanulo sila ng mga matatanda ngayon, pati na ang mga susunod pang henerasyon, 64% naman ang nagsasabing kulang ang pagkilos ng gobyerno para mapangalagaan sila.
Halos kalahati naman sa kanila (39%) ang nagsasabing natatakot silang magkaanak
Nakakatakot ang resulta ng sarbey, ngunit totoong nakaaapekto ang klima, ayon sa mga psychologists. Pero sa totoo lang, lahat naman tayo, nakararamdam na rin ng climate anxiety.
Ano nga ba ang climate anxiety?
Ito yung pakiramdam ng pag-aalala, pagkabigo, lumbay at galit, na epekto ng nakababaliw na kalikasan. Hindi natin magagamot ito – bakit pa? Magagamot lamang ito kapag nagbago na ang kalikasan, na imposible namang mangyari. Ngunit may maaari naman tayong magawa.
Heto ang ilang tips: Una, “di ka nag-iisa.” May magulang ka, kapatid, kaibigan. Maaaring natatakot din sila, hindi lang nagsasabi.
Ikalawa, pag-usapan ang pagbabago ng klima. Kung maaari, pagdebatihan ito upang mailabas ang iyong takot, at para marinig mo rin ang sasabihin ng iba.
Ikatlo, alagaan mo ang iyong sarili physically at emotionally. At ikaapat, paminsan-minsan, commune with nature. Magtanim ka ng hala-man, umakyat sa bundok, o kung ano mang gusto mong gawin.
Sana’y malusutan natin ang problemang ito. – LEANNE SPHERE
Comments are closed.