HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong question marks about banking.
Ngayong espesyal na isyu, ating pag-usapan ang tungkol sa Current Account o mas kilala sa tawag na Checking Account. Ang pagkakaroon ng checking account ay makatutulong sa atin upang maging mas madali ang pag-manage ng ating mga account. Subalit kailangan din nating malaman ang wastong pag-gamit nito. Ang checking account ay magandang instrumento upang maging mas ligtas at properly recorded ang ating paggamit ng ating pera.
Ang checking account ay puwede para sa personal o corporate use. Ang personal checking account ay para sa mga gumagamit nito for individual purposes, katulad ng pambayad ng bills. Ang corporate checking account naman ay ginagamit ng mga kompanya para sa pag-disburse ng kanilang expenses.
Madali lamang mag-open ng checking account. Mahalaga lamang na maintindihan na kailangan na ang mag-oopen ng account ay mayroon nang magandang banking relationship, for at least 6 months sa bangko kung saan siya ay mag-o-open nito. Ito ay upang ma-establish ang responsableng banking habits na importante sa paggamit ng iba’t ibang bank products tulad ng checking account.
Simple lang ang requirements. Pumunta lamang sa bangko, tulad ng Asia United Bank o AUB and AskUrBanker kung ano ang requirements na kakailanganin upang makapag-open ng inyong account.
Kapag mayroon ka nang checking account, ito naman ang mga tips sa tamang paggamit nito.
- Dapat ay siguraduhing may pondo ang account sa tuwing mag-i-issue ng check. Ito ay upang maiwasan ang pag-return o pagtalbog ng check na magreresulta sa pagbabayad ng penalties.
- Huwag magpapagamit sa iba o magpapahiram ng check sa ibang tao. Ito ay dapat pangalagaan dahil anumang problema sa paggamit nito ay magiging sagutin ng may-ari ng account.
- Sumunod sa tamang pag-fill up o pagsulat ng check. Ito ay dapat malinaw at kompleto upang masiguradong ito ay tatanggapin. Gumamit ng dark colored na tinta ng ballpen tulad ng itim o asul sa pagsulat sa checks. Huwag gagamit ng mga ballpen na nabubura, o kaya naman ay lapis.
- I-record lahat ng transactions ng iyong checking account para sa tamang pag-monitor nito.
- Huwag mag-issue ng blangkong check na may pirma upang walang makagamit nito nang hindi nalalaman ng account owner.
- Ingatan ang inyong checkbook. Huwag hayaang mabasa at iwasang matupi o magusot ito.
- Kung may pagbabago sa inyong personal information tulad ng address, telephone number, email o kaya naman ay sa inyong pirma, siguraduhing i-update ang inyong records sa bangko.
Ito ay ilan lamang sa mga tips na dapat tandaan sa tama at wastong paggamit ng checking account. Kung may katanungan, siguraduhing magtanong sa mga banker na siyang experts tungkol sa usapin ng pagbabangko.
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.