Ano ang kinalaman ng damit ng biktima ng rape

ABOT sa 9,200 police reports ang sex crimes noong 2017 at 2020, ayon sa Philippine National Police. Kasama rito ang rape, sexual assault by penetration, outrage of modesty, at sexual offences na mga bata ang biktima.

Mga kasong kasama ang posibleng non-consensual penile-vagina, penile-anal, o penile-oral penetration na itinuturing na Serious Sexual Crime. May 348 kaso ng rape noong 2018, 281 noong 2019 at 281 noong 2020, at karamihan sa mga rapist ay kakilala, miyembro ng pamilya, kaanak o kaibigan ng biktima.

Sa bawat imbestigasyon, laging kasama sa itinatanong kung ano ang suot ng biktima, kahit pa bata ang sangkot.

In fairness, itinatanong din kung ano ang suot ng perpetrator. Kasama rin sa tanong ang sexual history ng biktima, upang mas magkaroon ng malinaw na interpretasyon.

Ang Sexual Assault Examination Kit ay ginagamit upang mangolekta ng physical evidence sa biktima na nagahasa sa loob ng 72 hours o mas maikli pa.

Sa forensic examination, patatayuin ang biktima sa isang piraso ng papel upang kolektahin ang trace evidence habang hinuhubad niya ang kanyag damit. Kasama sa makukuha dito ang pubic hair of perpetrator, na makukuha sa genital area ng biktima.

Kasama rin dito ang 12 swabs for areas tulad ng vagina, anus at bibig – na ginagawa depende sa tipo ng assault na ginawa. Kinukuha rin ang ihi at dugo sa biktima upang i-test sa blood alcohol levels o drugs, dahil minsan, nagaganap ang panggagahasa matapos lasingin o lagyan ng droga ang iniinom ng biktima.

Ang mga makokolekta ay ipinadadala sa Health Sciences Authority para sa analysis. Medyo matagal ito dahil kinukuha rin ang DNA ng biktima at ng inaakusahan.

Sa huli, kapag nakuha na ang abidensya, saka pa lamang makakapagsampa ng kaso. –- SHANIA KATRINA MARTIN