ANO ANG KULAY NG PAG-IBIG?

Valentine na naman. Kumusta kaya ang Valentine ng mga taong walang partner? Ano kaya ang kulay ng araw nila?

Nakasanayan na nating pula ang kulay ng Valentine’s Day dahil ito raw ang kumakatawan sa pag-ibig at katapatan. Ayon sa Greek legend, pulang rosas ang tumubo mula sa dugo ni Adonis nang mapatay ito ng baboy ramo.

Wala akong matandaang valentine na hindi pula ang kulay. Sa buong kasaysayan ng mundo, pula talaga ang lagi nilang sinasabing kumakatawan sa passion, romansa at sexual energy. Pero mayroon pa namang iba. Bawat kulay kasi ay nagrerepresenta ng iba-ibang kahulugan tulad na lamang ng white. Representasyon ito ng innocence, charm at purity. Kung ang red ay sa romansa at pagmamahal, ang yellow naman ay kaligayahan. Ang         orange ay na­ ngangahulugan ng pagpupursigi at energy, habang ang blue ay calmness at loyalty. Ang pink ay singkahulugan ng paghanga at represents admiration and gentleness, and      so on.

Pero sabi nila, ang totoong universal color of love ay pink. Ito ang combination ng red at white – kaya masasabing pula pa rin ito na naiba lang dahil sa idinagdag na puti – na sabi nga natin sa una ay nangangahulugan ng purity. So, ang pink ay kulay ng pure love, di ba? Ito ang representas­yon ng compassion, nurturing at pag-ibig.

Pero may dalawang kulay pa raw ang pag-ibig – ang deep purple na representasyon ng devotion and bonding at kakayahang mag-commit para sa isang relasyon; at ang magenta na representasyon ng resonance at romantic harmony. Isama na natin ang cinnamon pink na representasyon ng fantasy life and expectations at orange na representasyon ng sexual arousal.

Ano na nga ba? Pink ba o red ang pag-ibig? Ang kuliit, ano?

Ang pink ay malabnaw na kulay ng pula at tipikal na associated sa love and romance. O baka naman blue. Red ang kulay ng init at apoy, at syempre, ng pusong nagdurugo – lahat yan ay bahagi ng romantic love. Ngunit, yung may emotion-color synesthesia (synesthesia – kundisyon na may istimulasyon) ay nakikita ang pag-ibig sa kulay na na yellow. Sa iba naman, sa ibang synesthetes, hindi ito red o yellow, kundi blue o iba pang kulay.

Sa color wheel theory of love, ayon kay Canadian psychologist John Alan Lee, may anim na estilo ng pag-ibig, gamit ang Latin at Greek words for love. Ani Lee, may tatlong primary, tatlong secondary at 9 na tertiary love styles sa traditional color wheel. Ang tatlong primary types are eros, ludus at storge, at ang tatlong secondary types ay mania, pragma at agape. Ibang topic na ‘yon at saka na lamang natin tatalakayin.

Pero ano naman kung may kahulugan ang kulay sa pag-ibig? Wala namang talagang kulay ang pag-ibig. Hindi ito nakikita kundi nararamdaman. Wala ito kahit saan sense of humor, libro, o kahit sa pinakamatatalinong tao. Wala rin itong eksaktong depinisyon. Pero ang sigurado ko lang, Love conquers all. Mayaman man o mahirap, babae man o lalaki, matanda man o bata, may ngipin o wala. Happy Valentine’s Day sa ating lahat. Sana, may Valentine’s date kayo. Good luck na lang.. JAYZL VILLAFANIA NEBRE