ANO ANG SAFE HOLIDAY CELEBRATION PRACTICES SA GITNA NG PANDEMYA?

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

NGAYON  na ang National Capital Region or NCR ay inilagay na sa Alert level 2 simula November 5 to 21 2021, inaasahang makakaluwag na an gating mga kababayan at maiibsan kahit paano ang restrictions na gawa ng pandemya. Sa pagbaba ng kaso ng COVID at pagdami ng nabibigyan ng COVID vaccine, hindi maitatanggi na maaari pa na maibaba ang alert level ng NCR. Kasabay ng pagbaba ng alert level ay ang pagbigay ng “freedom” sa ating kababayan na makalabas, makakakain sa mga restaurants at mamasyal sa mga pampublikong lugar.

Nalalapit na naman ang holiday season na isa sa pinaka-inaabangan ng lahat, lalo na ng mga Pilipino. Sa normal na panahon, ito ang pagkakataon kung kailan maaring magkita-kita ang mga magkakaibigan at at kahit paano ay makapag-celebrate. Ngunit ngayong tayo pa din ay nasa panahon ng pandemya, nararapat lang na tayo ay mag-ingat sa mga pagtitipon. Mabuti na ang tamang pag-iingat kesa sa huli ang pagsisisi.

Ano nga ba ang maaari natin gawin upang masayang makapag-celebrate ngunit patuloy pa din mapang-ingatan ang ating kalusugan. Ayon kay Dr. Bernadett Velasco, ang Operations Manager ng One Hospital Command Center na programa ng Department of Health ilan sa paraan upamng magkaroon ng Safe Holiday Practices and Celebration ay ang mga sumusunod:

1. Unang una ay ang magkaroon ng Bakuna laban sa Covid. Alam naman natin ang importansya ng bakuna at kung papaano nito naproprotektahan ang ating katawan laban sa COVID 19. Magandang i-encourage natin ang lahat na magpabakuna upang mas maliit ang pagkakataon na tayo ay magkahawaan dahil ready ang ating katawan labanan ang virus.

2. Pangalawa, ayon kay Dr Bernadett Velasco ay ang “Open air celebration”. Ito ay ang pag-iwas sa kulob na lugar sa tuwing tayo ay nagtitipon. Mas makakaiwas sa pagkahawa sa virus kung ang lugar ay well ventilated or nag cicirculate ng maayos ang hangin o kung maaari sa outdoor gawin ang celebration.

Marami-rami na ding mga restaurant na nag o-offer ng al-fresco dining.

3. Pangatlo aniya ni Dr Velasco ay ang pagkakaroon ng Health or symptoms check. Gawing kaugalian na mag self-check ng mga simptomas ng COVID 19, katulad ng lagnat, sipon, ubo, hirap na paghinga, pagkawala ng panglasa at pang-amoy. Iwasan ang lumabas at makipagkita sa ibang tao kung tayo ay may nararamdaman. Magpasuri kaagad sa healthcare providers sa ganitong pagkakataon.

4. Pang-apat, ay ang Magsuot ng mask. Ang mask ay mananatiling isa sa ating proteksyon laban sa virus.

Ang mga taong nabakunahan na laban sa COVID 19 ay kailangan pa din mag suot ng mask upang makaiwas sa pagkahawa. Siguraduhin na tama ang fit ng mask sa mukha para matakpan ang ilong at bibig.

5. Pang-lima ay ang Proper Spacing Kapag Kumakain, iwasan muna ang magkakadikit sa hapag kainan at i-maintain ang social o physical distancing. Kung maaari, individual serving ang ihanda at hindi ang shared serving.

6. Pang Anim sabi ni Dr Bernadett Velasco ay ang pagkakaroon ng Additional Screening test kapag nagtitipon. Kung ang celebration o pagtitipon ay pagdadaluhan ng mga tao mula sa iba’t ibang household o lugar, maaaring magdagdag ng extra precaution tulad ng pagpapa-test muna sa COVID 19. Ito ay makakatulong upang maiwasan ang pagdalo ng tao na positibo sa COVID.
7. Pang- Pito, Protektahan ang mga high risk individuals. Iwasan natin na maexpose o isama sa celebration ang mga individual na may mga karamdaman. Kung hindi maiiwasan, siguraduhin na ang mga minimum health protocols ay sinusunod.

Hiling natin lahat ang isang masaya na selebrasyon sa nalalapit na holiday season. Tayo ay tuloy tuloy na magtulungan upang masugpuan natin ang COVID-19. Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com / Dr-Sam-Zacate-Me­dicus-et-Legem- 995570940634331/) – Dr Samuel A Zacate