Ano ang story sa likod ng handwritten letter ng waiter na pinahiran ni Alex Gonzaga?

Honestly, nagtaka ang lahat nang maglabas ng sulat ang waiter pa na si Allan Crisostomo para lamang ipaalam sa lahat na nag-apologize na sa kanya ang TV host-actress na si Alex Gonzaga.

Baket?

Kung tutuusin, indi naman talaga big deal ang pagpapahid ng icing ni Alex sa mukha ng waiter noong January 15, sa kanyang 35th birthday. Matagal na iyon at parang biro lang, kaso may nagkalat ng video at picture kaya kinuyog si Alex ng mga batikos. Medyo bastos nga naman yon.

Hindi naman sila friends, in the first place. Hiniya at naagrabyado nga naman si Crisostomo, tapos, siya pa ang naglabas ng written explanation na nagkaayos na sila ni Alex. Weird!

Ikaw na nga ang binastos, ikaw pa ang nagpaliwanag. Hindi tuloy namin makita ang sinsiredad ni Alex sa paghingi ng tawad. Pinalusot kasi agad ni Crisostomo. Mabait na waiter!

May sariling YouTube vlog naman si Alex, bakit hindi na lamang siya magpaliwanag dito tungkol sa isyu? Hayan tuloy, naglabasan na ang mga taong nagkaroon din daw ng pangit na experience kay Alex. Pati si Toni Gonzaga, damay na rin. Pareho raw masama ang ugali. Ano bay an? Hindi na Christian sila? Hindi ba nila naintindihan ang turo ng kanilang Pastor?

Kami man, napataas ang kilay sa letter ni Crisostomo. Ano yon, binantaan? Binayaran? Butri sana kung binayaran na lang, at least na-compensate ang pagkapahiya ng waiter. NLVN