AÑO ITINALAGANG NATIONAL SECURITY ADVISER

ITINALAGA  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Interior Secretary Eduardo Año bilang National Security Adviser.

Pinalitan ni Año si Professor Clarita Carlos na nagpasyang ipagpatuloy ang kanyang scholastics endeavours.

Si Año ay nanumpa sa harap ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang kahapon.

Nagsilbing kalihim ng DILG si Año sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, kabilang na ngayon si Carlos ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng House of Representatives.

Ang CPBRD ang nagbibigay ng technical service sa House of Representatives para sa pagbalangkas ng national economic, fiscal at social policies.

“I have realized that it is no longer politic to continue as NSA to the President and so, I have decided to migrate to another agency where mu expertise on foreign policy will be of use and I shall continue to help build a better Philippines,” pahayag ni Carlos.