AÑO MANGUNGUNA SA 1ST MONDAY FLAG RAISING SA CAMP CRAME NGAYONG 2020

DILG Secretary Eduardo Año-2

QUEZON CITY – PANGUNGUNAHAN ngayong araw ni Interior Secretary Eduardo Año ang unang flag raising ceremony para sa 2020 sa national headquarters ng Philippine National Police.

Inaasahang kompleto ang matataas na opisyal ng PNP sa pa­ngunguna nina OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, The Deputy Chief for Operarions, Lt. Gen. Guil­lermo ­Eleazar, Chief of Directorial Staff at iba pang major unit sa PNP.

Magugunitang noong isang linggo ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Año na pamunuan pansamantala ang PNP dahil wala pa itong naitatalagang PNP chief.

Nilinaw naman ni Gamboa na walang epekto o problema sa organisasyon kung si Año ang titipon sa PNP dahil nasa ilalim naman talaga ng kalihim bilang chairman ng National Police Commission ang pulisya.

Wala rin aniyang mababago sa kanyang function bilang OIC at sa katunayan ay nadagdagan pa ang kanyang awtoridad gaya ng pagtalalaga ng lieutenant colonel na dating wala sa kanya.

Sa panig naman ni Año, sinabi nitong hindi parusa para sa pulisya kung wala pang natatalagang PNP chief ang Pangulo dahil nais lamang nitong pag-aralang maige ang ia-appoint, ngunit naniniwalang malapit nang magtalaga ng PNP chief ang Pangulo.

Kasama naman sa shortlist o rekomendasyon ng kalihim sina Cascolan, Gamboa at Eleazar.

Sina Año, Cascolan, Gamboa at dating PNP Chief, Ret. Gen. Oscar Albayalde ay pawang miyembro ng Philippine Military Academy –Sinagtala Class of 1986 habang si Eleazar ay PMA-Hinirang Class of 1987.

EUNICE C.

Comments are closed.