ANO NGA BA ANG MGA KALABAN SA PAGNENENEGOSYO

May Trabaho logo

WHAT are your dreams? I am asking you this, because without dreams, you will never persevere. Kung wala kang pangarap sa buhay, hindi ka magsisikap dahil wala ka namang ninanais na maabot. It is our dreams that motivate us to strive and thrive.

So what are your dreams? Is it a big house? Is it to have lots of money? Is it amazing beauty? Or nice car? Or good health?

These things are attainable. Pero ang tanong, when do you plan to have this? Kung ikaw ay isang ordinaryong empleyado na sumasahod ng sampung libo sa loob ng isang buwan at natitirhan lamang ng dalawang libo kada buwan dahil ang eight thousand ay pinambayad na sa utang, sa palagay mo, kailan mo kaya matutupad ang alinman sa mga iyan? Hmn, ibig sabihin, kung gusto mong magkaroon ng isa man sa mga iyan, may kailangan kang gawin. Ano ‘yun? Right, magnegosyo ka.

I remember one story when I was working sa aming city government, one afternoon, dumating ang isang staff, paika-ika, nabalian daw siya ng takong habang nag-e-area, nagkataon naman na kausap ko ang isa sa aming mga model entrepreneur na inaasistihan ng aming department sa Micro Entrepreneur Financing program ng lokal na pamahalaan, Tawa nang tawa habang ikinukuwento ng staff ang kanyang karanasan, kasi nangyari rin daw ‘yun sa kanya, buti na lang daw, may malapit na tindahan, nakabili agad siya. Pag-alis ng aming bisita, nilapitan ko ang staff, sabi ko, “sana bumili ka na lang para hindi ka na nahirapan.”  Nahihiya siyang yumuko, sabi niya, “Ma’amkasi, wala po kasi akong pera, malayo pa sahod”

And umuwi ako ng hapong ‘yun, na iniisip ang sitwasyon na ‘yun — ang empleyado, sumasahod kinsenas-katapusan, maghihintay sa mga araw na iyan para mabili ang mga pangangailangan. Ang negosyante, kung may pangangailangan, ora mismo, kayang tugunan, kasi may pera sa bulsa. Naisip ko, tama pala ang naging desisyon ko noong time na ‘yun, kasi naaalala ko, noong maging mayor ang punong lungsod kung saan ako kaalyado, tinanong ako ng tatay niya. Sabi niya, “Glad, saan mo gusto na departamento?” Ang sagot ko sa kanya, “Tata, ok na po akong maging supplier ng munisipyo.”

Ang sagot niya sa akin, “mali, magtrabaho ka, at magnegosyo ka.” ‘Yun ang bumalik sa isip ko, kung empleyado ako na katulad ng staff namin, maghintay rin muna ako ng suweldo para makabili ng bagong sapatos, pero dahil nagnenegosyo na rin ako noong mga panahon na ‘yun, katulad ng aming model entrepreneur, anytime na mabalian ako ng takong habang naglalakad, kaya ko na ring makabili ng pamalit sa oras ding iyon. Ibig sabihin, tama si Tata, magandang mag-empleyo habang may negosyo.

Pero ang tanong, madali ba magkanegosyo? Ang sabi nga, sa giyera, para mas makasigurado tayo ng panalo, dapat kilalanin natin ang ating kalaban, at iyan ang gagawin natin ngayon sa column na ito, aaralin natin ang ating kalaban, sa pagnenegosyo. Pag-uusapan natin ang ilan sa mga Banta sa Pagnenegosyo.  Ang mga ito ay mga pangunahin na kailangan nating mabantayan dahil ang lahat ng mga nanagumpay, pati ang mga nabigo, ay pinagdaanan ito.

Kalaban #1: FAILURE – nandiyan palagi ang posilibidad ng kabiguan. Hindi naman kasi nangangahulugan na dahil ikaw ay nakapagsimula ay mananagumpay ka na. Sa negosyo, madali ang magsimula, ang mahirap, ay ang panatilihing buhay ang iyong negosyo, lalo na kung nangengempleyo ka rin  at hati ang atensiyon mo. Kaya ang posibilidad ng pagsasara ay laging kumakaway tuwi-tuwina, lalo na if you are bleeding already sa operations, nahihila mo na ang sinasahod mo sa iyong trabaho para lang maka-survive ang negosyo, sometimes, ang pagsasara ang ‘da best’ na option na mayroon ka.

Kalaban #2:Pabago-bagong Kondisyon ng pagnenegosyo – katulad ng nangyari sa atin ngayon, sinong negosyante ang mag-aakala, 9 months ago, na ni hindi pala sila kikita kasi may mga lockdown na ipatutupad sa bansa? Sinong negosyante ang mag-aakala na dati-rati, kung hinahabol siya ng bangko para pautangin, ngayong panahon na lumalapit siya ay hirap siyang mapagbigyan kasi hindi pala “essential” ang negosyo niya?

May epekto sa negosyo ang ating paligid, ang ekonomiya ng bansa, ang mga kaganapan abroad, ang movement ng mga tao, ang mga kalamidad na mayroon tayo, ang kung ano ang uso ng kapanahunan, lahat ng ito, may epekto, direct or indirectly, sa ating negosyo.

Hindi man natin sinasabi na panghabambuhay si COVID, pero asahan nating magtatagal ito, hindi rin natin sinasabi na nag-enjoy tayo kay ‘Quinta’, kay ‘Rolly’  at kay ‘Ulysses’, pero may posibilidad na may dumating na kasinglakas o mas malakas pa sa kanila pagdating ng panahon, hindi natin sinasabi na ok lang na marami ang jobless, pero puwedeng matagalan bago makabangon ang ating mga negosyante at kailanganin ulit ang mga tao nila. These things are threat to our business, at may epekto sa ating pagnenegosyo.

Kalaban #3: Relationship Rift – o ‘yung mga pagkakasira na puwedeng mangyari sa atin ng kakilala, kamag-anak, kaibigan mo, kustomer natin dahil sa ating negosyo.. bakit? Kasi nga negosyo ito, hindi ka naman nagtatayo ng charity institution, hindi ka namimigay ng produkto at serbisyo. Ginagawa mo ang negosyo para kumita. That’s your goal. But sad to say, kadalasan, hindi ‘yun naiintindihan ng ibang tao. Akala ng iba, pinagkakakitaan mo sila, hindi nila nakikita ang mga sakripisyo mo para lang maihatid sa kanila ang serbisyo o produkto mo. O kaya naman, nagpautang ka, hindi ka binayaran, hindi ka na tumubo, nakain pa pati puhunan mo, siyempre sasama loob mo sa tao, wala nang pansinan kapag nagkita kayo. O kaya naman, mga kamag-anak na kapag nangutang sa iyo at hindi mo pinagbigyan, sasabihin ang damot mo naman. Hindi nila naiintindihan na ang liit lang pala ng tubo mo.

Kalaban #4 is Burn Out – ay naku naman, eto relate na relate talaga ako… kasi ganito, before kami nag-shift to being an advertising agency, kami po ay isa munang printing business, pangarap ng asawa ko ‘yun na sinuporthan ko, kumpleto naman ng tao, asawa ko ang machine operator, may lay-out artist, may cashier, may collector, may delivery. Ang iniisip ko noon na trabaho ko lang, was to look for clients and close the deal, hindi ko inakala na ako rin  ang magiging kolektor kapag hindi available ang collector, o kaya ay delivery ng mga tarps kapag wala ang delivery, dumating pa sa point, na sa dami ng gagawin, uuwi ang asawa ko sa bahay para magpahinga, papalit ako sa gabi para mag-duty, mag-isa ako sa shop na operator ng makina the rest of the night. Imaginin ninyo ‘yung rolyo ng tarpaulin na nagagawa kong buhatin para isalang sa makina? Minsan mas mataas pa sa akin. Feeling ko, malalaglag ang matris ko sa bigat. Pero wala akong magawa, may deadline kaming hinahabol, hindi ko afford magbayad ng overtime ng tao, kaya kailangan kong tanggapin ang obligasyon na ako mismo. Ayun, napagod ako. Naburn-out ako sa dami ng ginawa ko.

Ilan lamang ito sa mga makakalaban mo kapag may sarili kang negosyo. Marami pang mga sitwasyon ang puwedeng humamon sa iyong katinuan, sa kagandahan ng iyong loob, sa mga  prinsipyo mo, sa mga expectations mo kapag nandoon ka na mismo sa sitwasyon ng pagnenegosyo. Pero heto ako, ang pangunahin pa ring bumubuhay sa aming pamilya, ay ang aming negosyo. Nagsisisi ba ako? Not a bit. Bakit? Hmnnn.. abangan next week ang mga gantimpala ng pagkakaroon ng Sariling Negosyo, ikukuwento ko sa inyo. Kita-kits!

oOo

Si Glady Mabini ay isang Broadcast Journalist at Motivational Speaker na may iba’t ibang programa sa Radyo. Ang mga programang ito ay puwede  rin ninyong masundan sa kanyang YouTube Channel na Glady Mabini. Para sa mga paksa na gusto ninyong kanyang matalakay sa kolum na ito, ipadala lamang sa kanyang official FB page: Glady Mabini.

Comments are closed.