AÑO PIKON NA SA CPP-NPA-NDF

Eduardo Año

PIKON na pikon na umano si Interior and Local Government Secretary Eduardo M. Año sa  mga communist terrorist groups (CTGs) at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ay kasunod ng mga paratang na kaya umano nagdeklara  ang mga local government units (LGUs) ng ‘persona non grata’ laban sa CPP-NPA-NDF  ay dahil sa pananakot na hindi irerelease ang kanilang badyet,

“Ang mga LGU ay nagtatamasa ng lokal na awtonomiya, hindi sila mang-mang para suportahan ang walang Diyos at nakalipas nang ide-olohiya ng mga communist terrorist groups (CTGs), at punding-pundi na sila sa karahasan at kalupitan ng CPP-NPA-NDF,” giit ni Año.

Binigyang diin ng kalihim na mali ang pahiwatig ng CPP na pinipilit ang LGUs na maglabas ng naturang deklarasyon dahil ang mga LGUs ay hindi hangal at mga inutil na papet.

Kamakailan ay inihayag ng DILG na may kabuuang 1,546 LGUs sa buong bansa ang nagdeklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona non grata sa kanilang mga lokalidad. EVELYN GARCIA

Comments are closed.