AÑO SA NEXT PNP CHIEF: LABAN SA ILEGAL NA DROGA, KRIMEN AT INSURGENCY, MAS PAIGTINGIN!

HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año si PLt. Gen. Dionardo Carlos, ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP), na ipagpatuloy at higit pang paigtingin ang laban ng pulisya kontra sa ilegal na droga, krimen at communist armed insurgency.

Nauna rito, inanunsiyo na ng Malacañang na si Carlos, na mula sa Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988, at kasalukuyang hepe ng Directorial Staff ng PNP, ang siyang papalit kay outgoing PNP chief PGEN Guillermo Eleazar, na nakatakda nang magretiro sa serbisyo sa Nobyembre 13.

“We expect the new PNP Chief to hit the ground running and intensify efforts to counter illegal drugs, fight criminality, and end the communist armed conflict in the country,” ayon naman kay Año, sa isang pahayag.

“We expect that he will set the highest standards for himself and the rest of the PNP organization on their performance and discipline especially on the goal of cleansing the police organization, leaving no room for scalawags,”anang kalihim.

Aniya, umaasa rin siyang ang pamumuno ni Carlos ay maghahatid ng inobasyon at reporma sa police service habang tinutupad ang kanilang tungkulin sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“We look forward with optimism that his leadership will bring about innovation and reform in the police organization in the fulfillment of the PNP’s duty to serve and protect the people, especially during the COVID-19 public health emergency,” dagdag pa ng DILG chief.

Nabatid na si Carlos ang siyang magiging kauna-unahang PNP chief na mula sa Maringal class.

Inaasahang magtatagal ang kanyang termino hanggang sa Mayo 8, 2022, o isang araw bago ang May 9, 2022 national elections. EVELYN GARCIA