ANOMALYA SA KAPULUNGAN SA TEJEROS

NAGKAROON ng pagpupulong ang dalawang paksyong manghihi­magsik ng Himagsikang Pilipino. Ginanap ito sa Casa Hacienda ng Tejeros sa bayan ng San Francisco de Malabon (ngayo’y General Trias), Cavite noong 22 Marso 1897. Tinawag itong Kapulungan sa Tejeros o Kumbensiyon sa Tejeros.

Ang Magdiwang ang paksyong nagpulong dito na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, kasama ang Magdalo na pinamumunuan naman ni Emilio Aguinaldo.

Sa panahon ng pagpupulong, sinabi ni Bonifacio na hindi katanggap-tanggap ang kinalabasan at bunga ng halalan. Kahina-hinala umano ito bukod pa sa mga paratang na ang mga balot na ipinamahagi ay sinulatan na ng pangalan ng mga inihalal bago pa man magsimula ang eleksyon. Kwestyunable rin ay hindi ginawa mismo ng mga manghahalal. LEANNE SPHERE