MAHAHARAP sa preventive suspension sa 50 kapitan ng barangay na karamihan ay nasa Metro Manila dahil sa umano’y anomalyang kinasasangkutan ng mga ito kaugnay pamamahagi ng social amelioration fund (SAP).
Ayon kay National Task Force against COVID-19 vice chairman at Interior and Loca Government Secretary Eduardo Año, posibleng sa mga susunod na araw ay pormal na nilang isasampa ang mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng barangay.
Nauna nang nakipag-ugnayan si Año kay Ombudsman Samuel Martires hinggil sa mga natuklasang anomalya na kinasasangkutan ng mga local government official kaugnay sa ginawang pamamahagi ng SAP.
Ani Año, ang mga ito ay may kaugnayan sa malversation of funds, korupsyon, estafa at iba pang graft-related anomalies sa pamamahagi ng unang tranche ng SAP.
Kaya’t iginiit ni Año na kailangang patawan ng preventive suspension ang mga ito iniimbestigahan ng Ombudsman ang aspetong administratibo laban sa mga sangkot na kapitan ng barangay.
Ang mga opisyal ng barangay na masususpinde mula sa Metro Manila na may 33 kapitan ng barangay, 13 sa region 1; 10 sa region 2; tatlo sa region 3; at 11 sa region 4-A.
Kasabay nito, agad na inatasan ng kalihim ang PNP-CIDG na mangalap ng mga ebidensiya at magsagawa ng mga paunang imbestigasyon sa mga umano’y katiwalian ng mga barangay officials kaugnay sa pamamahagi ng SAP. VERLIN RUIZ
Comments are closed.