‘ANOMALYA’ SA UNIBERSIDAD

Lenlen Oreta

INIUTOS ni Malabon City Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III  ang malalimang pagsisiyasat sa mga ulat na natatanggap na umano’y   nangyayaring kalokohan at anomalya sa City  of  Malabon University.

Sa kanyang direktiba, inatasan ng punong-lungsod ang City Legal Office na magsagawa ng imbestigasyon para malaman ang katotohanan sa likod ng mga negatibong report na nakakarating sa kanyang opisina.

Unang nakarating  sa kaalaman ni Oreta ang hinggil sa extortion activities na pinangungunahan ng ilang CMU official na ang mga biktima’y mga school supplier  at estud­yante.

Napag-alaman din ni Oreta na may mga school supply at  equipment ang nawawala dahil sa ‘di maipaliwanag  na  nakawan sa loob ng eskuwelahan.

Pinasisilip din ni Oreta ang ulat  na tampering sa enrolment ng mga estudyante at ilan pang anomalya na labis na ikinababahala ng butihing mayor.

Sinabi ng  alkalde  na  mananagot ang responsable sa umano’y kontrobersiya.

Inatasan ni Oreta ang probe team na kilalalanin at kasuhan sa korte ang mga opisyal at taong may kinalaman na nasa likod ng mga nasabing mga anomalya. EVELYN GARCIA

Comments are closed.