ANO’NG MAYROON SA INITIALS NA BOC?

WARNING SHOTS

MUKHANG tuwing pamumunuan ni Chief Nicanor Faeldon ang isang ahensiya na may initials na BOC, lagi na lamang nasasangkot sa corruption. Bureau of Customs dati, Bureau of Correction naman ngayon. Mukhang hindi magandang combination ang BOC at si Faeldon.

Nagkasanga-sanga na ang isyu sa Bureau of Corruptions, ah este sa Bureau of Corrections sa sunod-sunod na katiwalian at ka-palpakan ng mga opisyal ng ahensiyang  ito. Pulutan nga­yon ang BuCor ng media, public forums, at social media platforms.

Ramdam ang galit ng napakaraming netizens nang mabunyag ang nakatakdang paglaya ng rape-slay convict at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez na benepisyaryo ng (GCTA) o Good Conduct Time Allowance.

Umabot sa 1,700 convicts ang napalaya ng batas na ito.  Ngunit, marami ang hindi sang-ayon dito kung kaya mabilis na ku-mabig agad si  PRRD dahil maging siya ay hindi sang-ayon sa naging desisyon ng kanyang tauhan.

Sinibak agad ni PRRD si Faeldon. Pina-iimbestigahan din ng Pangulo sa Ombudsman ang iba pang mga opis­yal sa pagkaka-bunyag ng umano’y GCTA FOR SALE sa BuCor.

Mukhang nasanay na rin tayo sa mga ganitong klase ng balita. Sa halip na ang iba ay talagang magalit, dinadaan na lamang sa biro dahil tanggap na nila na wala namang bago sa  mga ganitong isyu, paulit-ulit lang at pabalik-balik.  Nag-iiba lang ang mga per-sonalidad sa takbo ng panahon.

Isa sa mga naging biro, nang si Faeldon ang namuno sa Bureau of Customs ay nabunyag ang shipment umano ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon. Suki na talaga si Faeldon sa Senado, dahil umabot rin ito sa isang Senate hearing.

Inalis ng Pangulo at inilipat sa BuCor pero nabunyag at napalaya ang mga preso roon  na umabot sa 1,700. Lagi na lang may nawawala kapag si Faeldon ang hepe. Kung kaya  ang biro sa social media ay ilagay na lamang ni Presidente si Faeldon sa MMDA para mawala ang mga sasakyan at wala na ring trapik.

Ibinunyag ng isang maybahay ng convict ang raket ng mga opisyal ng ahensiya sa Senate hearing.  Nagbabayad simula sa sing-kwenta mil hanggang sa pinakamataas na 1.5 million pesos para dayain ang records ng mga nakakulong doon sa ilalim ng proseso ng batas ng GCTA.

Ayon sa mga mambabatas, maganda ang batas ng GCTA, palpak at nagkulang lang sa IRR o internal rules and regulations.

Nakalulungkot lamang isipin na sunod-sunod ang naging mga iskandalo sa ahensiya ng BuCor. Hindi matatapos ito sa finger pointing, mahabang imbestigasyon, malaking oras at pondo ng bayan ang nawawala sa bawat ahensiya na kasama rito. Mata-tandaang nasangkot sa umano’y illegal drug trade ang isa sa matinding kritiko ng Pangulo na si Senadora Leila De Lima na hang-gang ngayon ay patuloy ang imbestigasyon at nakapiit sa New Bilibid Prisons.

Hindi rin maganda ang epekto sa mga nakapiit dito ang mga nagaganap na anomalya  sapagkat sa loob sana ng piitan ay pinipilit sila na magbago at magkaroon ng remorse sa kanilang kasalanan, at tuluyang magbagong buhay.

Nag-aabang din ang publiko kung sino ang mga dapat na managot sa isyu na ito, mas marami ang mga tanong kaysa sa mga sa-got. Kung saan ilalagay ang inalis na si Faeldon?   Anong  hustisya ang inaabangan ng bayan mula sa Department of justice, dahil ang BuCor ay nasa panga-ngasiwa nito?

At higit sa lahat, nawa’y hindi rin sana magtaingang-kawali si PRRD, bagkus pag-aralang mabuti ang paglalagay ng kanyang mga makakasama sa gobyerno.

Hindi sagot sa problema ang  i-reshuffle na lamang ang isang kawani ng pamahalaan na may bahid na ng katiwalian at pagiging inutil sa kanyang tungkulin.  Sana mayroon ding correction measures sa mga ganitong pagkakamali upang hindi na maulit pa.

Comments are closed.