ANTAS NG ANGAT DAM PINATAAS NI HANNA

Angat Dam

BULACAN – MAY magandang naidulot ang mga pag-ulan nitong mga nakaraang linggo sa Luzon dahil sa bagyong Hanna.

Ito ay nang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam kahapon dahil sa mga pag-ulan kamakailan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), hanggang kahapon ng alas-6:00 ng umaga, ang water level sa Angat Dam ay nasa 174.13 meters, o 1.82 meters na mas mataas kumpara sa 172.31- meter water level na napaulat noong Sabado ng umaga.

Bukod dito, bahagyang tumaas din ang lebel ng tubig sa iba pang mga dam sa bansa, kabilang na ang La Mesa Dam, Ambuklao Dam, Binga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam, at Caliraya Dam.

Samantala, nagkaroon naman ng bahagyang pagbaba ng lebel ng tubig sa Ipo Dam at Magat Dam, ayon sa state weather bureau. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.