ANTAS NG KAPAYAPAAN SA PHL BUMABA, PNP UMALMA

Gen Oscar Albayalde

CAMP CRAME – PERSEPSIYON lamang para sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pag-aaral ng Global Peace Index (GPI) na sinasabing bumaba ang lebel ng pagiging payapa ng Filipinas o pumapangalawang bansa na least peaceful sa buong Asia Pacific region.

Paliwanag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, mas naririnig o nababalitaan ng mga taga ibang bansa ang nangyayaring patayan o nakawan sa bansa kaysa ang umiiral na peace and order kaya ganito ang naging persepsiyon ngayon sa ­Filipinas.

Posible rin aniyang epekto ito ng mga ibinabalita ng ibang sektor sa nagaganap na human rights violations sa bansa.

Kaya hamon ni PNP Chief sa grupong nagsasagawa ng pag-aaral na magtungo sa Filipinas at obserbahan ang peace and order sa bansa.     R. SARMIENTO

 

Comments are closed.