INANUNSIYO ni Carmelo Anthony, isa sa pinakamahusay na scorers sa NBA, ang kanyang pagreretiro sa basketball sa edad na 38.
Ang third pick sa 2003 NBA Draft, na-enjoy ni Anthony ang matagumpay na 19-year career na kinabilangan ng i10 NBA All-Star appearances, 6 All-NBA selections, isang scoring title at isang puwesto sa NBA’s 75th anniversary team.
Ang kanyang abilidad na umiskor ang dahilan kung bakit isa siya sa pinaka-kinatatakutan at box office players sa liga at ang kanyang 28,289 career points ay naglagay sa kanya sa ika-9 na puwesto sa all-time scoring list.
Sa kanyang college career, pinamunuan ni Anthony ang Syracuse sa una nitong national men’s basketball title noong siya ay freshman, bago naglaro para sa Denver Nuggets, New York Knicks, Oklahoma City Thunder, Houston Rockets, Portland Trail Blazers at Los Angeles Lakers sa NBA.
Bilang miyembro ng Team USA, si Anthony ay nagwagi ng tatlong Olympic gold medals – Rio noong 2016, London noong 2012 at Beijing noong 2008 – at isang bronze sa Athens 2004.
“I remember the days when I had nothing, just a ball on the court and dream of something more,” sabi ni Anthony sa kanyang retirement video. “But basketball was my outlet, my purpose was strong, my communities, the cities I represented with pride and the fans that supported me along the way.
“I am forever grateful for those people and places because they made me: Carmelo Anthony.
“But now the time has come for me to say goodbye – to the court where I made my name to the game that gave me purpose and pride, but this is a bittersweet goodbye to the NBA. I am excited about what the future holds for me.”
Sinimulan ni Anthony ang kanyang career sa Nuggets at mabilis na sinementuhan ang kanyang puwesto bilang isa sa leading talents ng liga.