ANTI-AGING FOOD | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
Anti Aging

ANTI-AGING FOOD

(Ni CT SARIGUMBA)

KUNG may isa mang bagay o pangyayaring hindi natin mapipigilan, iyan ay ang pagkakaroon natin ng edad. Marami sa atin ang takot na takot na tumanda dahil kasabay nga naman nito ay ang pagtanda rin ng kabuuan.

Kaya naman, ginagawa ng marami ang lahat upang tumanda man sila ay hindi naman magmumukhang matanda. Kumbaga, edad lang ang magbaba-go at hindi ang kanilang hitsura.

Kunsabagay, marami nga namang kababaihan at gayundin mga kalalakihan ang gumaganda’t gumuguwapo habang nagkakaroon ng edad.

Pero may ilan din namang tila pinagkaitan ng tadhana at nagiging losyang. O pumapangit.

Iba-iba nga naman ang dulot sa atin ng pagdaragdag ng edad. May ilang gumaganda at gumuguwapo habang tumatanda at marami rin namang tali-was.

Depende rin naman kasi iyan sa kung paano inaalagaan ng isang tao ang kanyang sarili. Kung pabaya siya, talagang hindi aayon sa kanya ang ka-gandahan. Pero kung maingat—lalong-lalo na sa kinakain, magandang kabuuan ang balik nito sa iyo.

Kaya naman, narito ang ilang anti-aging food na swak kahiligan kung tumuntong na sa 40 ang iyong edad:

PINYA AT PAKWAN

PINYA-PAKWANKung may dalawang prutas man na mabibili natin sa palengke man, grocery o gilid ng kalye, iyan ang pinya at pak­wan. Saan man tayo mapalingon ay makakakita tayo nito. Kadalasan din ay ibinebenta ito ng balat na at hiwa-hiwa. Kaya naman, hindi na tayo mahihirapan at kakainin na lang natin ito.

Mayaman ang pinya sa manganese na kaila­ngan ng katawan upang ma-activate ang enzyme na kung tawagin ay prolidase. Tumutulong naman sa collagen formation ang prolidase. Dahil dito ay napananatiling malakas at elasticity ang balat.

Matatawag namang summer fruit ang pak­wan. Nakatutulong din ito upang mapanatili na­ting young ang ating skin dahil sa taglay nitong lycopene. Ang lycopene ay isang natural sunblock na pumoprotekta sa ating balat laban sa ultraviolet rays.

PAPAYA AT BLUEBERRIES

PAPAYA AT BLUEBERRIESMainam ding kahiligan ang papaya at blueberries nang mapanatili nating young o mukhang bata ang ating skin.

Kabilang sa superfood ang papaya. Maya­man ito sa antioxidants, vitamin at minerals na nagpapaganda o nagpa­panatili ng ganda sa ating balat. Nangangahulugan itong ang antioxidants na taglay ng papaya ay nakatutulong upang ma-delay ang signs of aging o pagtanda.

Maya­man naman sa vitamin A at C ang blueberries. mayroon din itong age-defying antioxidants. Ang antioxidants na ito ang pumoprotekta sa balat laban sa sikat ng araw, stress at polusyon.

KAMATIS

Marami sa atin ang mahilig sa kamatis. Kapag nga naman prito o inihaw na isda ang ulam natin, hindi puwedeng mawala ang kamatis na nilalagyan natin ng kalamansi, sibuyas at toyo para maging sawsawan.

Bukod din doon ay isinasama natin ang kamatis sa salad. Kabilang din sa anti-aging food ang kamatis dahil sa taglay nitong vitamin C na tumutulong sa collagen production at nagpapanatiling firm ng ating balat.

Mayroon din itong lycopene na tumutulong naman upang maprotektahan ang ating balat laban sa sikat ng araw.

AVOCADO

AVOCADO-2Panghuli sa ating listahan ang avocado. Mataas ang taglay na inflammation-fighting fatty acids ng nasabing prutas na siyang nagpo-promote ng smooth at supple skin.

Dahil naman sa mataas na taglay na vitamin A ng avocado, natutulungan nito ang balat upang maging glowing.

Ang carotenoid content din ng nasabing prutas ay tumutulong upang ma-block ang toxins. Gayundin ang masamang epekto ng sikat ng araw sa ba-lat.

Napakarami ring recipe na maaaring gamitin bilang pangunahing sangkap ang avocado. Gaya na nga lang ng avocado spread at smoothie.

Kaya kung nasa 40’s ka na o higit pa, subukan na ang mga prutas o pagkaing ibinahagi namin sa inyo.

Hindi rin naman kayo mamomroblemang hanapin ito dahil kahit saan ay makabibili ka nito. Swak lang din sa bulsa ang presyo ng nasabing prutas o pagkain.

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS