INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang mahigpit na implementasyon ng Anti-Agricultural Sabotage Act.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa inspeksyon ng P178.5 milyong halaga ng smuggled na mackerel sa Maynila.
Binigyang-diin ng Pangulo na ang pagpapalakas sa implementasyon ng naturang batas ay para sa proteksyon ng mga mamimili, at mga magsasaka at mangingisda.
Nilinaw ng Punong Ehekutibo na ang pinalakas na aksiyon ng gobyerno laban sa mga smugglers ay nakaka-gambala sa supply chain at nakakaapekto sa presyo ng mga produktong pang agrikultura sa mga lokal na merkado.
“Kaya’t ito ‘yung buong tinatawag na chain na kailangan nating buwagin. At ito’y, as I said, is the first case under the new law of the Anti-Agricultural Sabotage Act. So, I’ve spoken to our Bureau of Customs, and I’ve spoken to the Department of Agriculture and we have to keep going. Kailangang patibayin pa natin ito,” pahayag ni Pangulo.
“Hindi po matatawaran ang malasakit na ipinapakita ni Pangulong Bongbong Marcos sa ating mga Manileño. Ang bawat kahon ng isdang ito ay hindi lang pagkain, kundi simbolo ng pagkalinga ng ating pamahalaan sa mga Manileño, ani Manila Mayor Honey Lacuna na kasama ni PBBM at DILG Secretary Jonvic Remulla at DSWD sa pamamahagi ng mga nasamsam na mackerel sa mahigit 21,000 sambahayan sa Tondo.
Nasa 150,000 na pamilya ang makatatanggap ng mackarel, kasama ang mga pinaka-nangangailangan sa NCR, Bulacan, at Cavite
Buong pusong ipinahayag ni Mayor Honey Lacuna ang pagtanaw ng utang na loob ng lungsod sa pagpili ng Baseco at Tondo para tumanggap ng libo-libong kilo ng mackerel mula sa nasamsam na smuggled shipment.
Pinasalamatan.ni Lacuna is President Marcos “for always keeping Manileños in mind whenever they can benefit from any form of national government assistance.”
Ang nasabing frozen mackerel na nagkakahalaga ng P178.5 million at imported mula China ay sinamsam ng Manila International Container Terminal (MICT) sa Tondo, noong December 14, 2024.
Ang nasamsam na mga kargamento ng mga frozen fish na lulan ng 21 container vans ay dumating Manila International Container Port (MICP) noong October at nananatiling unclaimed ng consignee. Nabatid na ang kargamento ay kulang ng kinakailangang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance.
Dahil dito ipinag-utos ni Laurel na isailalim ang mga frozen mackerels sa laboratory tests upang malaman kung ligtas ba itong kainin.
Nauna rito, sina President Marcos, Jr. at Lacuna ay magkasamang namahagi ng Christmas gifts sa mga wards ng Manila city government-run Boys’ Town Complex sa Marikina.
Sinabi ni Lacuna na ang patuloy na suporta na ibinibigay ng Presidente sa lungsod ng Maynila ay malaking tulong sa kabila na ang kanyang administrasyon ay nagtatrabaho sa gitna ng pagkakabaon sa utang na P17.8 billion na iniwan ng sinundan nitong administrasyon.
VERLIN RUIZ