ANTI-CARNAPPING OPERATION NG QUEZON-PNP HPG IPINATUPAD

carnap

QUEZON-PINANGUNAHAN ni HPG Provincial Chief Maj. June Villarosa ang pagsasagawa ng Simultaneous Visitorial Power  na saklaw ng batas na PD 1612 kaugnay sa ‘One Time Big Time’ police operation sa mga malalaki at pangunahing mga establisimiyento ng Surplus Automotive parts at motor vehicles kamakalawa.

Sinuyod ng Quezon-PNP HPG ang mga Surplus Store  upang ma-check kung may mga kaukulang papeles ang kanilang mga ibinebentang ang imported motor and parts na nanggagaling sa bansang Japan.

Ayon kay PMAJ Villarosa, bahagi ito ng mahigpit na pagbabantay hinggil sa Anti Carnapping na kanilang trabaho at mandato upang masigurong walang makakalusot  na mga bahagi ng sasakyan na nagmula sa kinarnap at kinatay na mga behikulo at mga galing din sa ibang bansa na walang kaukulang dokumento.

Nauna nang pinuntahan ng Quezon- HPG ang mga malalaking tindahan ng surplus sa Lucena City, Tayabas City, at sa bayan ng Lucban. BONG RIVERA

Comments are closed.